Home » Entertainment » Nagkasagutan!

Nagkasagutan!


BY RUEL J. MENDOZA


Hindi naging maganda ang pakikipaghiwalay ng Kapuso actor na si Kristoffer Martin sa non-showbiz girlfriend nitong si AC Banzon.

Nagpa-interview si AC kamakailan at kinuwento nito ang tungkol sa naging dahilan ng paghihiwalay nila ng aktor after seven years na pagsasama nila.

KRISTOFFER Martin and AC Banzon

Isa sa binunyag ni AC ay ang pagkakaroon ng ibang babae ni Kristoffer noong mag-lock-in taping ito ng isang buwan para sa GMA teleserye na “Babawiin Ko Ang Lahat.”

Dahil dito, nagkaroon ng maanghang na sagutan sa Twitter sina Kristoffer at AC.

Heto ang magkakasunod na tweets ng aktor:

“Di lahat maaamo mo. Di lahat kakampi sayo. Kasi alam nila yung totoo.”

“Isa-isahin mo sacrifices ko before versus sa mga merch mo. Mygahd!”

“Sana binanggit mo kung pano ako naubos. Hindi yung ‘gatas lang’ yung ginawa ko. Sana lang.”

“You know what I did. You know why I left. Enough.”

“Empty cans make the loudest noise” –  D”

Sinagot naman ni AC ang isang tweet ni Kristoffer na: “Isa isahin ko kaya kalokohan mo hahahahaha!”

Sumagot naman ang aktor ng: “Go. Dahil gusto mo ko sirain sa trabahong bumuhay satin before. Sa trabahong nagdala satin kung saan saan. GO.”

Sagot ulit ni AC: “Ikaw ang sumira sa’yo. Your actions. Not me.”

Sinagot ito ni Kristoffer ng: “Noted.”

Maraming netizen ang nag-react sa sagutan nila. Sana raw ay naging private na lang ang pag-uusap nila at hindi yung nababasa ng ibang tao. Sana raw inisip nila ang consequences nito kahit manlang para sa kanilang four-year-old na anak.

comments