Home » Entertainment » Hiwalay na nga ba?

Hiwalay na nga ba?


BY DELIA CUARESMA


Matindi ang balita na kumakalat na hiwalay na daw sina Kylie Padilla at Aljur Abrenica.

Ito ay matapos mag-post ni Kylie ng ilang matalinhagang mga salita sa kanyang social media feed.

KYLIE Padilla and Aljur Abrenica

Una na rito ang: “I’m submissive not stupid.”

Sinundan pa niya ito ng: “More self love, baby girl.”

Nag-post din siya ng litrato ng kanyang kamay kung saan makikitang hindi niya suot ang kanyang wedding ring.

Dagdag na rito ang post niyang picture na masaya at nakapula. Aniya: “Free.”

Ayaw niyang sagutin ang mga naguguluhang fans na humihingi ng klaripikasyon uko dito.

Tahimik din si Aljur.

Huling post ng aktor ay tungkol sa kanyang pagrorosaryo.

Aniya: “Prayed the rosary on the road. Been praying for a while. The power of prayer is real. Brought peace and clarity…” 

Naku, ang gulo!

Hiwalay na nga kaya ang dalawa matapos ang higit dalawang taon na pagsasama bilang husband and wife o may tampuhan lang?

Matatandaang mag-isang nagpunta si Kylie sa 40th death anniversary concert ng mga Padilla para kay Royette.

May dalawang cute na tsikiting sina Kylie at Aljur pero hindi yata ito naging sapat para ipaglaban ang kanilang marriage.

Hay, naku.

Abang-abang na lang tayo sa susunod na kaganapan.

comments