Home » Entertainment » Dedma!

Dedma!


BY ROWENA AGILADA


No reaction pa rin si Mariel Rodriguez sa isyung diumano’y tinalakan niya ng bonggang-bongga si Ivana Alawi ng bago pa lang ito. 

IVANA Alawi, Mariel Rodriguez

Ayaw na lang niya siguro palakihin ang isyu, kaya dedma na lang si Mariel.

Hindi naman diretsang pinangalanan ni Ivana kung sino ang tumalak sa kanya at letter “M” lang ang ibinigay niyang clue.

Hinulaan lang ng mga netizens na si Mariel ‘yun.

By the way, naging punong-abala si Mariel sa 40th day ng pagkamatay ng brother-in-law niyang si Royette Padilla.

Dumating sina Vina Morales at Karla Estrada, ex-girlfriends ng magkapatid na Robin at Rommel Padilla respectively.

‘Andun din ang mag-pinsang Daniel at Kylie Padilla.


RODERICK Paulate

Thankful

Malapit nang matapos ang locked-in shooting ni Roderick Paulate para sa comeback movie niyang “Mudrasta” under T-Rex Films. 

Si Julius Alfonso ang direktor at kasama sa cast sina Carmi Martin, Tonton Gutierrez at Celia Rodriguez. 

Secret pa kung sino ang kaparehang aktor ni Roderick.

Comedy film ito na ani Roderick, tiyak na magugustuhan ng moviegoers. 

Hoping siya na papayagan nang buksan ang mga sinehan kapag isinailalim na sa MGCQ ang Metro Manila at iba pang lugar sa bansa.  

Sobrang thankful si Dick sa T-Rex producer na si Rex Tiri at sa staff nito sa tiwalang ibinigay sa kanya para sa kanyang comeback movie.

comments