Home » Opinion » Plushie experience

Plushie experience

 

sxy sexy mind rica cruz

Doc Rica,

I have a confession to make. Long distance kami ng boyfriend ko kaya minsan lang kami nagkikita. Nakadagdag pa ‘yung pagkapraning with the pandemic. Nakakamiss kasi minsan dahil we really have good sex. Pag wala siya, minsan naho-horny ako tapos I find myself using my stuffed toys para i-rub sa aking vagina. I feel good about it but I want to know if this is safe. Minsan kasi may discharge na lang sa underwear ko. Salamat.

Snowball Coins

 

Hi Snowball Coins,

I see that you are getting a bit of help with this LDR situation from your furry friends.

May mga tao talagang ang ginagamit ay ang stuffed toys, pillows, or mattresses. Interestingly, ang term na plushie na ginagamit sa mga stuffed toys ay ginagamit din ng mga taong nageexplore ng kanilang sexuality with stuffed animals.

Kung nababahala ka dahil sa discharge, maaari itong normal vaginal secretion lamang na talaga namang nae-experience ng mga kababaihan depende sa level ng kanilang pagkaka-arouse. Usually ito ay malinaw, walang amoy, at isang natural lubricant sa mga babae. Have tried pleasuring yourself with your finger? Pareho lang dapat ang secretion na mapo-produce nito.

May mga tao, on the other hand, na allergic sa ilang materials na gamit sa paggawa ng mga stuffed animals. In such cases, nagkakaroon ng pangangati or rashes. Siguraduhin mo ding malinis ang iyong stuffed animal friends para walang dust or dirt na matransfer sa iyong maselang bahagi. Mainam din ang pagsusuot pa rin ng underwear habang sumastuffed doggie style ka.

Madami din kayong puwedeng i-explore as a couple sa inyong relationship. With the help of technology in communication, it may lessen missing each other or ‘yung wait nyo to be with each other can make the sex so much better din. Meron ding available toys (not just stuffed ones) na puwede mong gamitin for your sexual pleasure. Pero laging tatandaan na always enjoy and be safe.

With love and lust,

Doc Rica

*

RICA CRUZ • Rica Cruz is a Licensed Psychologist, Sex and Relationships Therapist, and Sex Educator. Follow her at facebook.com/TheSexyMind and @_ricacruz in Twitter and IG.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *