Home » Balita News » NBI clearance, puwedenang mag-apply online

NBI clearance, puwedenang mag-apply online

Ni Ron B. Lopez

Inihayag ng National Bureau of Investigation (NBI) noong Huwebes ang pagbubukas ng kanilang online clearance registration system simula ngayong Biyernes, Enero 24.

Sa advisory na inilabas ng Department of Justice (DOJ), ang mother agency ng NBI, sinabi ni DOJ Secretary Leila De Lima na layunin ng bagong sistema na burahin ang mahabang pila ng mga kumukuha ng NBI clearance.

Ang mga aplikante ay kailangan lamang mag-fill up ng online form na makukuha sa http://nbi.njisph.com/ or http://www.doj.gov.ph/nbi/ sa pagkakaloob ng kanilang mga impormasyon, contact details at family background.

Sinabi ni NBI Director NBI Virgilio L. Mendez na patuloy na pagbubutihin ang automated system sa mga susunod na linggo.

“This is just our third week of operation but we expect significant progress in the coming weeks with the delivery of additional equipment and increase in personnel,” aniya.

“With the implementation of the new NBI system, we shall continue to roll out and implement solutions to progressively eliminate queues and simplify processes,” sabi ni de Lima.

Incoming search terms:

  • nbi clearance (76)
  • nbi online application 2014 (8)
  • NBI Online Application Form 2014 (8)
  • nbi clearance 2014 (2)
  • nbiregistration com (1)
comments