Home »Lakbay Diwa »Bukas na palad

Bukas na palad

 

Diyos na makapangyarihan
Bella Angeles AbanganNa sa ami’y nagmamahal,
Nagsusugo ka ng tao,
Upang kami ay tulungan

Tumawag sa aming pansin ang isang ginawa na special presentation ng GMA-7 noong Nov. 17. Tumatanggap sila ng mga tulong para sa biktima ng super typhoon “Yolanda.”

Isa si “Aling Baby” ang tumawag para maghandog ng kanyang tulong sa mga biktima ng bagyo.

May mga lumuluwas ng Maynila galing Leyte, Samar at Cebu makaalis lang sa lugar na sinalanta ng mapinsalang bagyo.

Tinawagan ni Mr. Mike Enriquez si Aling Baby at kinapanayam niya. Si Aling Baby at ang 88 taong gulang na nanay niya ang nasa bahay nila.

May isang anak na doktora si Aling Baby at may alaga siyang apat na aso.

Ibig ni Aling Baby na kupkupin ang mga naging biktima ni Yolanda na walang matuluyan.

Papakainin at bibigyan ng pangunahing pangangailangan at patitirahin pansamatala.

Napatawa si Mr. Enriquez nang aminin ni Aling Baby na hindi siya marunong magluto.

Wika niya, “puwede namang mag-assign sa kanila ang pagluluto. Tulong-tulong kami at bukas na bukas ang aming kusina para sa kanila.”

Ang tugon ni Mike, “Aling Baby, bukas na bukas rin ang puso mo.”

Sumakay ang mga biktima sa C130, sasakyang pangipapawid ng sandatahang hukbo ng Pilipinas.

Ang iba sa kanila ay may mga kamag-anak o kaibigan sa Manila na maaring kumupkop pansamatala sa kanila. Ngunit ang ilan sa kanila ay walang mapuntahan.

Nanawagan rin si Aling Baby sa mga nakikinig sa DZBB na tumulong sa mga biktima ng super typhoon sa kahit anuman paraan.

Incoming search terms:

  • tempo MIKE ENRIQUEZ (1)
comments