Home » Lakbay Diwa » Isang text lang

Isang text lang

Love is giving for the World’s needs.
Love is sharing as the Spirit leads.
Love is caring when the World cries,
Love is compassion with Christ like eyes.

Bella Angeles AbanganKinaugalian kong makinig ng radyo lalo na kung madaling araw habang ako ay nagpapaantok.

Habang pinipihit ko ang lipatan ng aking radio ay napahinto ako ng paglipat sa programa ni June Banaag sa DZMM.

Isang text ang natanggap ni Bro. June na humihingi ng payo at tulong. Ang nag-text ay nagngangalang Jojo, grade 6, labing-pitong taong gulang. May kapatid na bulag, labing-dalawang taong gulang.

Maliit pa lamang ang magkapatid ay namatay na ang ama at ang ina naman nila ay iniwan sila.

Walang kasama ang magkapatid at nabubuhay lang sila sa pamamagitan ng pangangalakal ni Jojo. Nag-aaral si Jojo sa araw at sa gabi ay nangangalakal siya.

Pinayuhan si Jojo ng kapitbahay nila na ibigay sa DSWD ang kapatid na babae. Ang isip at puso ni Jojo ay tumututol sa sinabi ng kapitbahay.

Mahal na mahal ni Jojo ang bulag na kapatid ngunit nahihirapan na siya sa sitwasyon nila.

Hindi sila kakain kung hindi mangangalakal si Jojo. Iniiwan niyang mag-isa ang kapatid upang maghanap ng makakain.

Naki-text lang si Jojo sa kakilala niya upang makahingi ng tulong sa pamamaitan ng programa ni Bro. June Banaag.

Maraming tinapik ang Diyos upang maghandog ng sobrang biyaya nila sa magkapatid.

May mga magpapadala ng mga groceries, damit at kahit cellphone ay may nagbahagi.

Trabaho din ang alok ng isang “listener” at marami pang tulong ang inalok ng mga taong may ginintuang puso.

comments