Home » Timing » Registered nurse Maffy Soler given to singing and acting

Registered nurse Maffy Soler given to singing and acting

SA Oct. 8, 2013 na gaganapin ang 26th Aliw Awards Night sa Fiesta Pavilion, Manila Hotel. More than 35 awards, kasama na ang special awards at Lifetime Achievement Award, ang ipagkakaloob, ayon sa Aliw Awards Foundation, Inc. president na si Junne Quintana.

MAFFY Soler Pagkakalooban ng Lifetime Achievement Award sina Nora Aunor, Tito, Vic & Joey, Joe Gruta, Nestor Torre, Angie Ferro, UP Repertory at ang Leyte Dance Theater.

Bibigyan naman ng special award ang entertainment editors na sina Ricky Lo at Crispina Belen at ang former singer na si Lirio Vital. Darating siya sa Oct. 4 mula sa Texas, USA kung saan siya naninirahan ngayon.

Beneficiary ang Batang K, cancer-stricken children na nasa pangangalaga ng Kapwa Ko Mahal Ko Foundation.

Nominees
Aliw Awards nominees for Best Female Emcee sina Toni Gonzaga, Iza Calzado, Pia Guanio, Pops Fernandez, Issa Litton at sina Luis Manzano, Jojo Alejar, Michael Lim, Chris Tiu at Sam YG for Best Male Emcee.

For Best Female Performance in a Concert, nominated sina Julie Anne San Jose (“It’s My Time”/Music Museum), Dulce (Bar 360/ Resorts World), Mitch Valdez (“Love and Laughter”/Filinvest Tent), Rachelle Ann Go (“Rock against Gravity”/Music Museum) at Angeline Quinto (“In Love”/SMX FRI). Best Male Performance in a Concert nominees sina Noel Cabangon (“Tuloy ang Byahe”/PETA Theater), Gerard Santos (“Prince of Ballad Live”/Music Museum), Ely Buendia (“Greatest Hits Live”/Music Museum), Bryan Termulo (XXV birthday concert/Music Museum), Boy Inocencio (Bar Tour 2013/Bagaberde).

Nominees for Best Major Concert sina Daniel Padilla (Araneta), Bamboo (Resorts World), Jed Madela (Bohol Wisdom School gym), Lani Misalucha (“One More Time”/ Resorts World), Kuh Ledesma (Valentine concert/Tubud Lanao del Sur).

Best Child Performer nominee si Ryzza Mae Dizon. Ang top award, Entertainer of the Year, ay sa Awards Night ipapahayag. Past awardees sina Martin Nievera, Gary Valenciano, Ogie Alcasid, Freddie Aguilar, Basil Valdez, Nonoy Zuniga, Sarah Geronimo, Charice, Celeste Legaspi, Lisa Macuja, among others.

Singing nurse
Nominated for Best Performance in Hotels, Music Lounges, Bars ang anak ng former singer actor na si Jun Soler at Raquel Montessa na si Maffy Soler. Only girl si Maffy at pangatlo sa apat na magkakapatid na ang dalawa’y sina Ryan at Symon na mga dating singer-actors din. Dating member si Symon ng bandang Jeremiah. Ang bunso ay si Judge, 19 years old.

May kanya-kanya nang pamilya sina Ryan at Symon. US- based na ang huli with one kid. Ryan has two kids.

Registered nurse si Maffy, 23 years old. Pero aniya, mas nag-e-enjoy siya sa pagkanta. Ang version niya ng “Init sa Magdamag” ang ginamit na theme song ng “Nagbabagang Bulaklak,” teleserye ng TV5 na pinagbidahan ni Ritz Azul.

Nakapag-record na si Maffi ng dalawang kanta sa Viva Records para sana sa gagawin niyang album. Sa hindi malamang dahilan, naudlot ’yun, ayon kay Maffy.

Noong high school siya, aktibo siya sa school plays nila sa St. Scholastica College. May movie at TV offers noon kay Maffi, pero tinanggihan niya. Tinapos muna niya ang pag-aaral dahil gusto niyang magkaroon ng college degree.

May gig si Maffi sa Shangri-la, Makati (Wednesday nights), Makati Tavern Club (Thursday nights) at Hotel Intercon (Tuesday nights). Host siya ng HSM Shop TV sa IBC-13. Wish din ni Maffy mag-artista at sana raw ay mabigyan siya ng pagkakataong makalabas sa teleserye o pelikula.

Incoming search terms:

  • maffy soler (5)
  • maffy soler concert (2)
  • maffy soler live performance (1)
comments