Home » Lakbay Diwa » Nakaugaliang tradisyon

Nakaugaliang tradisyon

Ang kulturang Pilipino ay kalinangang binubuo ng paniniwala, tradisyon, mithiin, kaugalian, at literatura ng sambayanang Pilipino.

Bella Angeles AbanganHalos lahat ng lalawigan ng Pilipinas ay may mga pagdidiwang ng mga nakaugaliang tradisyon.

Sa lalawigan ng Cebu, ang Sinulog Festival ay isang pagdiriwang na dinarayo pa ng mga dayuhan dahil sa napakasaya ng okasyong ito. Ang sinulog ay ginagawa sa pamamagitan ng pagpuprusisyon sa Sto. Nino.

Ang pagdiriwang na ito ay pasasalamat ng mga Cebuano sa mga biyaya na patuloy na ibinibigay ng Panginoon sa kanila.

Isinasagawa ang sinulog sa pamamagitan ng sayaw at pagpalo sa mga tambol.

Unang ginanap sa El Cuidad de San Tisimo Nobre de Jesus ang pagdirwiang ng Sinulog noong 1565.

Sa lalawigan ng Davao ipinagdiriwang naman ang Kadayawan Festival.

Iba’t-ibang bulaklak ang makikita, malalanghap ang amoy, matitikman ang mga prutas na sa Davao lang matatagpuan.

Ang mga bulaklak at mga prutas ay sagisag sa kasipagan ng mga taga-Davao.

Ang “Floral Float Parade” ay inaabangan ng mga turista. Nagpapaligsahan ang iba’t-ibang sektor sa paradang ito na may iisang tema.

Gawa sa mga bulaklak at prutas ang mga float na may kakaibang anyo.

Ipinagpapasasalamat ng mga taga-Davao sa Panginoon ang masaganang ani ng mga bulaklak at mga prutas sa pamamagitan ng pagdiriwang ng Kadayawan Festival.

Inaabangan din ng mga manonood ang indak-indak sa daan, bagobo horse fight, horticulture exhibit, at ang paukaw.

Incoming search terms:

  • tradisyon ng mga pilipino (20)
  • mga tradisyon ng mga pilipino (2)
  • kulturang pilipino tradisyon (2)
  • tradisyon at kultura ng cebuano (2)
  • kultura at tradisyon ng pilipinas (2)
comments