Home » Lakbay Diwa » Iwasan ang kanser

Iwasan ang kanser

 

Pangatlo sa mga pangunahing grupo ng mga karamdaman ang kanser. Ayon sa pag-aaral sa bawat isang libong Filipino, isa ang nagkakakanser.

Bella Angeles AbanganMga paraan para makaiwas sa iba’t-ibang uri ng kanser:

  1. Iwasan ang sigarilyo at pag-inom ng alak. Maaaring pagmulan ito ng kanser sa atay at baga.
  2. Umiwas sa usok ng sasakyan. Takpan ang ilong at bibig kapag nasa kalsada.
  3. Bawasan ang alat sa pagkain. Maaaring magising ang mga selula ng katawan at maging kanser kung masobrahan ng alat ang kinakain natin.
  4. Iwasan ang mga “smoked” foods tulad ng barbeque, maaaring may kemikal ito na maging kanser.
  5. Iwasan rin ang matinding sikat ng araw upang ang kanser sa balat ay hindi maranasan.
  6. Huwag kumain ng karneng baboy at baka araw-araw at hangga’t maaari alisin ang mga taba.
  7. Bawasan ang pagbili ng pagkain sa kalye tulad ng fishball o kwek-kwek.
  8. Bawasan rin ang pagbili ng “processed meats” tulad ng hotdog sausage.
  9. Iwasan ang mga lamang loob dahil hindi ito malinis.
  10. Iwasan ang paulit-ulit na paggamit ng mantika sa pagpi-prito.
  11. Kumain ng maberde at makukulay na gulay at prutas, ang isda at manok ay maganda rin sa katawan.
  12. Palakasin ang katawan sa pamamagitan ng pagkontrol sa galit at iba pang negatibong emosyon.
  13. Mag-ehersisyo tatlo o apat na beses sa isang linggo.
  14. Magpasuri sa doctor ng regular kung may lahi kayo ng kanser.

Incoming search terms:

  • ibat ibang uri ng cancer (1)
  • kanser (1)
comments