Home » Timing » Winwyn, ex-BF dating again

Winwyn, ex-BF dating again

Kinakarir talaga ni Alden Richards ang pagda-diet to make sure na in good shape siya sa pagrampa niya sa Cosmo Bachelor Bash (CBB) on September 24. Gaganapin ito sa World Trade Center,Pasay City. Nag-gi-gym din ang Kapuso actor.

ALDEN RichardsAni Alden, two months na siyang hindi kumakain ng rice. Fruits every three hours, nuts at sandwich lang ang kinakain niya.Kung adobo ang ulam, kumakain siya ng kaunting kanin. Babawi na lang daw siya pagkatapos ng CBB.

Paborito ni Alden ang binagoongan, dinuguan at bopis. Lahat ng klaseng gulay ay kinakain niya. Ayaw ni Alden ng menudo dahil aniya, nagkaroon siya ng bad experience. He was 7 years old noong kumain siya ng menudo. Lumabas ‘yun sa kanyang ilong. Na-trauma siya and since then, ayaw na niyang kumain ng menudo. Ayaw din niya ng giniling.

Sa November pa ang next project ni Alden after “Mundo Mo’y Akin” at focus muna siya sa SAS(Sunday All Stars) bilang leader ng grupong Tweethearts. Nag-a-acting workshop din siya. Given a chance, gusto niyang makatrabaho sa isang teleserye si Barbie Forteza na madam kung tawagin niya. “Madam luka-luka ‘yan,eh! (laughs). Nagkasama na kami sa isang episode ng “Maynila.” Magaling siya, makulit nga lang sa set.”

Dating again
Malaki ang tsansang magkabalikan si Winwyn Marquez and her ex-boyfriend na isang flight attendant sa Philippine Air Lines (PAL). Dating again sila,ayon kay Winwyn. Nag-break sila dahil laging out-of-the country ang guy dahil sa trabaho nito. Domestic and international flights ang biyahe nito.

They were together for two years at nag-break sila early this year. A few months after, they started dating again. Ayon kay Winwyn, naipakilala na niya ito sa kanyang daddy Joey Marquez at mama Alma Moreno. “Siya pa lang ang naipakilala ko sa daddy at mama ko. Siya ang first boyfriend ko,”ani Winwyn.Aniya pa, best friend ito ng kanyang kuya Yeoj.

The guy is 24 years old, 21 naman si Winwyn. Nasa dating at ligawan stage sila muli na ayon kay Winwyn, malaki ang pag-asang sagutin niya uli ang kanyang ex-boyfriend kung magpupursige it to win her back.

By the way, magkasunod ang shows ni Winwyn every Sunday… SAS (Sunday All Stars) at “Dormitoryo” na magsisimula sa September 22 after SAS.

Final week
“Super bad ka sa “AnnaKareNina,” sabi namin kay Valerie Concepcion nang nakausap namin recently. Natawa si Val sabay sabing, “Thank you.Ibig sabihin, effective ang character ko.”

Pinaka-hate ang character niya bilang Ruth sa “AnnaKareNina.” Sobrang sama ng karakter niya dahil sa kasakiman niya sa pera ng mga Monteclaro na gusto niyang kamkamin lahat. Pati ang sarili niyang tiyuhing si Don Xernan ay pinagtangkaan niyang ipapatay.

Final week ngayon ng AKN at kaabang-abang kung ano’ng mangyayari kay Ruth.Makulong kaya siya o mapatay? O, mabaliw? Alamin kung sino kina Krystal Reyes, Barbie Forteza at Joyce Ching ang tunay na Annakarenina sa pagtatapos nito. Tutok lang sa AKN pagkatapos ng 24 Oras sa GMA7.

Incoming search terms:

  • winwyn marquez boyfriend (3)
  • wynwyn marquez boyfriend (1)
comments