Home »Lakbay Diwa »Ugnayan sa Diyos

Ugnayan sa Diyos

 

Kung ikaw ay nagdarasal, taos-pusong pagmamahal, ito ay isang ugnayan sa ating Poong Maykapal.

Bella Angeles AbanganDiyos ay nasisiyahan kung Siya’y paglilingkuran, biyaya ay ibibigay sa taos-pusong magmahal.

Maraming paraan ng pakikipag-ugnayan sa Panginoon. Kung tayo’y nagdarasal ay para na ring nakikipag-usap tayo sa Kanya.

Iyong nagbibiyahe nang matagal ay matutuwa at mahabahaba ring pakikipag-ugnayan ang magagawa niya sa Diyos.

Narito ang isang istorya ng dalawang guro sa elementary na dumalo sa tatlong araw na seminar sa values education.

Padala ng kani-kanilang paaralan sina Emily at Annie. Magkasama sila sa isang kuwarto.

Madaling araw noon nang magising si Annie. Napuna niyang wala si Emily sa kanyang higaan. Nagtaka siya kung saan nagpunta ang kanyang bagong kaibigan. Nang bumaba siya ng gusali ay nakita niya si Emily na nakaupo sa ilalim ng puno. Nakatungo si Emily at nagdarasal.

Laging gumigising ng madaling araw si Emily upang humingi ng bendisyon sa Panginoon.

Ipinagtapat ni Emily na madali lamang maglambing sa Panginoon: sundin lamang ang Kanyang Sampung Utos. Kausapin at laging magpasalamat sa Kanya.

Malaki ang natutuhan ni Annie sa seminar ngunit higit ang kanyang natutuhan kay Emily sa pakikipag-ugnayan sa Panginoon na lagi nating “taken for granted”.

Narito ang tulang Touch the Throne na kayganda ng mensahe para sa atin:

When you pray at morning or sundown
By yourself or with your own;
When you pray at rush of noontide,
Just make sure you touch the Throne.
When you pray in hours of leisure, waiting long and all alone,
Pour not out mere words as water,
But make sure you touch the Throne.

Incoming search terms:

  • 19 year old na bagets kinantot ng foreigner (1)
  • paraan ng pakikipag ugnayan sa panginoon (1)
comments