Home » Local » Topless Alden muling rarampa

Topless Alden muling rarampa

 

Excited na si Alden Richards rumampa sa gaganaping Cosmo Bachelor Bash on September 24 sa World Trade Center, Pasay City. Kasama ang Kapuso actor sa hottest 69 Cosmo Bachelors 2013. Cover din si Alden ng Cosmopolitan Magazine.

ALDEN Richards“I’m happy and excited. It’s an honor na kasali ako sa listahan at first time ko maging cover ng Cosmo Men. I’m blessed that Summit Media and Cosmopolitan Magazine gave me their trust to be one of the covers,” said Alden.

Si Tom Rodriguez na isa ring Kapuso actor ang isa pang cover ng CosmoMen supplement.

Asked kung ano’ng suot niya sa pag-rampa niya, ani Alden, less clothing. Meaning topless siya at short shorts ang suot niya. Second time ito ni Alden na rarampa sa Cosmo Bachelor Bash. Last year ay isa siya sa Cosmo Centerfolds .

Anang Kapuso actor at talent ng GMA Artist Center, kinarir niya ang pagpapaganda ng katawan para sa pag-rampa niya sa Cosmo Bachelor Bash this year. Nag-diet siya, nag-gym at naka-four packs abs na siya. “Gusto ko, six packs na ako bago ang event,”ani Alden.

Wala pa siyang next project after “Mundo Mo’y Akin” at wish niyang drama-action ang gagawin niya. Given a chance, gusto niyang makatrabaho sina Marian Rivera, Barbie Forteza, Rhian Ramos at Lauren Young (uli).

Pahayag pa ni Alden, nag-shoot sila ni Louise delos Reyes ng international commercial para sa isang social networking.Lumipat na rin sila ng bahay sa isang subdivision malapit sa Enchanted Kingdom sa Sta. Rosa, Laguna. Binaha kasi ang dating bahay nila sa Sta. Rosa at pati dalawang sasakyan niya’y nalubog sa baha.

Wala pa ring lovelife si Alden na aniya, enjoy muna siya sa pagiging single. “Destruction lang ang lovelife. Never pa ako nagkaroon ng serious relationship. Nagkaroon ako ng girlfriend noong high school ako, pero wala ‘yun! Career muna ang focus ko ngayon. Sayang naman ang magagandang opportunities na dumarating sa akin,”lahad ni Alden. May ginagawa siyang pelikula, “10,000 Hours” with Robin Padilla na official entry sa 2013 Metro Manila Film Festival. (Rowena Agilada)

comments