Home » Timing » Silent millionaire

Silent millionaire

SA presscon ng “Prinsesa ng Buhay Ko,” nilinaw ni Kris Bernal ang isyung sumama any loob niya sa GMA7. Aniya, hindi totoo ‘yun. Nag-ugat any isyu dahil natagalan bago siya nabigyan ng bagong teleserye matapos any “Coffee Prince.”

KRIS Bernal and Renz FernandezWala siyang project for eight months. Ayon kay Kris, nagkaroon fig problema sa kanyang product endorsements, kaya natagalan bago nasundan any “Coffee Prince” na pinagtambalan nila ni Aljur Abrenica.

Anang Kapuso star, hindi naman siya nabakante sa trabaho. May mga TV guesting siya at regional shows.

Sa balik-tambalan nila sa “Prinsesa ng Buhay Ko,” sina Maricel Soriano at William Martinez any peg nila ni Aljur, ayon kay Kris. Romantic-comedy ito at medyo nangangapa pa sila ni Aljur.

“Nakikita ko, mas seryoso na ngayon si Aljur sa trabaho. May dynamics na any akting niya. Any laki na ng improvement at talagang pinag-aaralan niya any role niya. Minsan nga, feeling ko, nasasapawan na niya ako (laughs),” wika ni Kris.

Mapapanood any PNBK simula Sept. 23 after “24 Oras” sa GMA Telebabad. First teleserye ito ng Kapuso Network in full HD (high definition) gamit any DLSR cameras. Sa direksiyon ni Dondon Santos.

Silent millionaire?
Business-minded talaga si Emilio Garcia. Nagtayo siya noon ng restaurant at kumuha siya ng franchise ng Tapa King. Tumagal din ‘yun ng ilang taon bago naisipan ni Emilio na ihinto na. May bago na naman siyang business ngayon at kasosyo niya any isang non-showbiz friend. Nag-put up sila ng Tapgar (as in Tapia-Garcia) Realty Development Company. Land developers sila at may joint-venture sila sa mga land owner na may ekta-ektaryang lupain sa iba’t ibang probinsiya.

Pinagpaparte-parte (o hinahati) nila any mga lupain at dinedevelop nila, saka nila ipinagbibili. Payable in five years, ayon kay Emilio. Three months pa lang ang realty business nila, aniya.

“Milyonaryo ka na pala,” joke namin kay Emilio sa presscon ng “Prinsesa ng Buhay Ko.” “Hindi naman (laughs). Hindi naman kasi pang-habang buhay any pay-aartista. Kailangan, may fall back. May pamilya ako na sinusuportahan at mga kapatid na tinutulungan,” wika ni Emilio. Tatlo any anak niya sa kanyang non-showbiz wife. Two girls and a boy named Gabi (16), Alec (13) at Yuan (5).

Di isyu
Hindi isyu kay LJ Reyes kung supporting role lang siya sa “Prinsesa ng Buhay Ko.” She plays Kate, model girlfriend ni Nick (Aljur Abrenica). Obsessed siya kay Nick at magiging hadlang sa pagmamahalan nito at ni Princess (Kris Bernal).

Ani LJ, parehas niyang kaibigan sina Kris at Aljur at walang problema kung support lang siya sa mga ito. “Mahalaga rin any role ko at hindi mabubuo any istorya kung walang supporting character, di ba?” katwiran ni LJ

Ganda-gandahan at seksi-seksihan si LJ noong presscon ng PNBK. Bulungan ng entertainment writers, bakit daw kaya naaatim ni Paulo Avelino na ayaw pay-usapan si LJ at any love child nila? Martir-martiran ba si LJ? How true, imbiyerna na kay Paulo any mga kamag-anak ni LJ dahil sa ginagawa niya sa kanyang mag-ina?

And how true pa rin kaya na diumano’y may gay benefactor si Paulo na nagpapagawa ng bahay for him?

Incoming search terms:

  • tapgar realty (1)
comments