Home » Local » Parents’ separation motivates Winwyn in drama scenes

Parents’ separation motivates Winwyn in drama scenes

By NORA V. CALDERON

Winwyn Marquez“MAS mahusay ka sa mommy mo (Alma Moreno),“ biro kay Winwyn Marquez ng mga kausap na entertainment writers matapos mapanood ang trailer ng bago niyang soap for GMA Network, ang “Dormitoryo.“ Pilot telecast nito on Sunday, Sept. 22, after ng “Sunday All Stars“ sa GMA-7.

“Thank you po,“ say ni Winwyn. “Matutuwa po si Mama kapag nalaman niya ito. Very supportive po siya sa akin at masaya siya kapag napupuri ako. Kahit po sa performances ko sa `Sunday All Stars,’ very proud siya nang manalo akong Best Performer sa aming Sunday show. At ito pong role ko as Maika Benitez, isa po itong challenge sa akin dahil kung dati lagi akong kontrabida, dito mabait ako, masayahin, pero masama ring kaaway. Ako ang papatayin sa story at misteryosa ang pagkamatay ko, hindi nila alam kung sino ang pumatay sa akin.

“Magpapakita ako sa friends ko sa story played by Lauren Young, Enzo Pineda, Joyce Ching, Ruru Madrid. Lumilitaw ako as parang buhay, hindi ako multo, hindi nananakot, pero humihingi ako ng justice sa pagkamatay ko. Pero nakakatakot ang location namin sa Tagaytay.

“Very supportive si direk Jun Lana, tinuturuan niya ako sa mga eksena. Kahit sa mga dramatic scene ko, inaalalayan niya ako,“ kuwento ni Winwyn.

Ang paghihiwalay daw ng mommy at daddy niya ang pinaghuhugutan niya ng acting kapag kailangan na niyang magdrama. Mga bata pa raw kasi sila nang mangyari iyon. Pero masaya si Winwyn dahil nakatapos na siya ng college at nakatupad siya sa promise niya sa parents niyang uunahin niya ang studies niya kaysa pag-aartista. Wala ba siyang balak mag-join ng Bininibing Pilipinas, tulad ng auntie niyang si Miss International Melanie Marquez?

“I need po muna sigurong mag-mature, I’m still young, 21, at marami pang time para ako mag-join ng beauty contest. I’m with Mercator Talent Agency ni Jonas Gaffud and ni Tita Geleen Eugenio, my dancing coach,“ sagot niya.

May dalawang movie entry si Winwyn for the coming Metro Manila Film Festival sa December. She will play the daughter of Robin Padilla in “10,000 Hours“ at kasama rin siya sa “Girl, Boy, Bakla“ ni Vice Ganda for Viva Films.

comments