Home » Kampupot » Feeling actress-aktresan kasi

Feeling actress-aktresan kasi

HANGGANG ngayon, hindi pa rin makalimutan ng isang TV host ang insidenteng sangkot ang isang feeling aktres-aktresan (FAA). May promotion ang huli ng isang pelikula nito at ipinakiusap lang sa TV host na mag-guest sa kanyang programa ang FAA.

kampupot2Pumayag ang TV host at bago simulan ang kanyang programa, ni-rehearse pa ang blocking ng FAA … kung saan ito lalakad patungong center stage.

Noong actual program na at tinawag na ang FAA para mag-promote ng pelikula nito, lumihis ito ng daan. Nag-short cut ito para makarating agad sa center stage. Na-out of balance at natumba ang FAA. Biglang nag-off-the-air ang show para hindi makita on national TV ang nangyari. Tinapos na lang ang show kahit may 15-minute airing pa ito. (Rowena Agilada)

Incoming search terms:

  • ang kahlagahan ng panampalataya sa pamayanan (1)
  • feeling actress (1)
  • jennylyn bernal tatad (1)
comments