Home »Timing »Derek umaming sila na ni Cristine

Derek umaming sila na ni Cristine

 

Jake and Joem Lihis

SI Baron Geisler ang original na kasama sana ni Jake Cuenca sa “Lihis.” Pero nagkaroon ng problema kay Baron, kaya pinalitan siya ni Joem Bascon na anang huli’y hindi isyu sa kanya.

Maganda ang project, kaya hindi niya pinalampas ang pagkakataong gawin ’yun, ayon kay Joem. “Makabuluhan ang mensaheng gustong iparating ng pelikula. Awakening ito sa mga tunay na naganap sa ating bansa noong panahon ng Martial Law,” ani Joem.

First time siyang gumawa ng matinding love scenes na talagang na-challenge siya, ayon kay Joem. Magkaibigan kasi sila ni Jake sa tunay na buhay, kaya nailang siya.

“Pagkatapos kunan ang love scenes namin, biniro ko si Jake na huwag muna kaming magkita baka magkatuluyan kami (laughs). Seriously, mahirap pero masarap ang feeling kasi bilang aktor wala kang hindi pwedeng gawin para maging makatotohanan ang papel na ginagampanan mo. After this movie, kahit ano’ng ipagawa sa amin, kayang-kaya na namin,” saad ni Joem.

Ang “Lihis” ay bahagi ng Sineng Pambansa National Film Festival, All-Masters Edition na prodyus ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) at BG Productions International. Kasama sa cast sina Lovi Poe, Isabelle Daza at Gloria Diaz. May special participation sina Raquel Villavicencio, Lloyd Samartino, Jem Pebanco, Tony Mabesa at Alex Castro mula sa direksiyon ni Joel Lamangan.

May premiere night ang “Lihis” on Sept. 8 sa SM Block Cinema 2 at showing sa SM Cinemas nationwide mula Sept. 11-17.

BF-GF na
Si Derek Ramsey kaya ang ka-text ni Cristine Reyes noong presscon ng “Bukas Na Lang Kita Mamahalin”? Halatang bored na bored si Cristine sa tanungan portion. Nag-make faces pa siya nang tanungin kung posible bang ma-in love siya kay Gerald Anderson na kapareha niya sa BNLKM.

After ng open forum, kiyeme-kiyeme pa ang aktres na ayaw kumpirmahin na boyfriend na niya si Derek. Earlier that night, inamin na ito ng aktor sa isang reporter na girlfriend na niya si Cristine.

Cool lang si Rayver Cruz nang hingan siya ng reaction tungkol sa relasyon nina Cristine at Derek. Aniya, mabait at disenteng tao si Derek. Maaalagaan nito ang kanyang ex-girlfriend. Nilinaw ni Rayver na hindi si Derek ang dahilan ng break-up nila ni Cristine.

Magkasama sina Rayver at Cristine sa “Bukas Na Lang Kita Mamahalin,” pero anila, walang ilangan at komportable silang katrabaho ang isa’t isa. Kahit break na sila, nananatili silang magkaibigan. BNLKM premieres tomorrow sa ABS-CBN Primetime Bida.

Wagas na wagas
Wagas na wagas naman kung makalundag at makayakap si Dawn Zulueta kay Richard Gomez noong nag-guest sila sa “Minute to Win It” ni Luis Manzano. Parang mag-BF-GF sila. Hindi kaya nagselos ang kanilang respective spouses na sina Rep. Anton Lagdameo at Rep. Lucy Torres-Gomez?

Si Luis nga, hindi napigilang tuksuhin sina Goma at Dawn. Kilig-kiligan naman ang audience.

Sa presscon ng “Bukas Na Lang Kita Mamahalin,” sinabi ni Dawn na na-miss niya si Richard matapos silang magkatrabaho sa “Walang Hanggan.” Kaya siguro, noong nag-guest sila sa show ni Luis, to the max ang paglundag at pagyakap ni Dawn kay Richard.

In fairness, mukha namang walang malisya ang pagyayakapan nila. Mukhang friendly hug lang. Ayaw naming isiping pwede nilang sabihin sa isa’t isa ang “Bukas na lang kita mamahalin.”

Incoming search terms:

  • fhm philippines 2014 partial ranking (1)
  • top 10 ranking partial fhm 2014 (1)
comments