Home » Timing » Derek, nang-iinggit?

Derek, nang-iinggit?

THIS is forever” ang caption ni Derek Ramsey sa ipinost niyang kissing picture nila ni Cristine Reyes sa kanyang Instagram. How sure kaya si Derek na magiging forever sila ni Cristine? Ibig bang sabihin si Cristine na ang pakakasalan niya?

Derek RamsaySabi noon ni Derek, ayaw na niya ng high-profile relationship after he and Angelica Panganiban broke up.

Three or four days pa lang sila officially together ni Cristine, naka-post na agad si Derek ng kissing picture nila ni Cristine. He must be super duper in love with Cristine, kaya proud na ipinaalam niya agad sa madlang pipol ang kanilang relasyon.

Si Angelica, noong bago pa lang ang relasyon nila ni John Lloyd Cruz, panay ang Instagram post niya ng mga sweet photo nila ng aktor. It’s Derek’s turn na magInstagram post ng sweet photo nila ni Cristine. For sure, may kasunod pa.

Ano ’yun? Gusto rin niyang mang-inggit? O, ipamukha sa kanyang ex-girlfriend na sobrang happy siya ngayon with Cristine? Whatever!

Pinangarap maging sundalo
Ngayon hayagan na ang relasyon nina Derek Ramsey at Cristine Reyes, matitigil na siguro ang fans ni Gerald Anderson sa pangba-bash kay Cristine. Tutol kasi sila sa team-up nina Gerald at Cristine sa “Bukas Na Lang Kita Mamahalin.” Nag-umpisa na itong umere noong Lunes (Sept. 2) sa ABS-CBN Primetime Bida.

Sa ginanap na Hero Ball Charity organized by Gerald, suportado siya nina Derek at Cristine. Naglaro ng basketball si Derek at nakiisa rin sa event sina Rayver Cruz (co-star nina Gerald at Cristine sa “Bukas Na Lang Kita Mamahalin“), JC de Vera, Enrique Gil, Joseph Marco, John Prats, Matt Evans, Luis Alandy, Jhong Hilario, among others. Of course, Maja Salvador was there bilang suporta sa boyfriend niyang si Gerald.

Ang proceeds sa Hero Ball Charity ay ilalaan sa edukasyon ng mga anak ng mga sundalong namatay sa serbisyo, ayon kay Gerald.

Pinangarap niya noong maging sundalo kaya malapit sa puso niya ang mga ito at ang mga anak ng mga sundalong namatay sa serbisyo.

First time
Ayon kay Ms. Liza Lorena, ’yung role ni Ms. Gloria Romero (Cristina Alperos) ang original role niya sa “Akin Pa Rin ang Bukas.” Nag-back out si Helen Gamboa (as Beatrice Villacorta) for health reasons at siya (Liza) ang ipinalit.

Nagre-shoot sila ng mga eksena dahil nakapag-taping na si Ms. Helen bago siya nag-back out sa project.

“Bumagay naman sa akin ang kontrabida role, sabi ni direk Laurice Guillen. Mas bagay raw kay Gloria ang mabait na role,” nakangiting pahayag ni Ms. Liza sa presscon ng APRAB.

First time nila to work together ni direk Laurice at happy siyang nabigyan siya ng pagkakataon, ani Ms. Liza.

Parehas sila ng kanyang daughterin-law, Glydel Mercado, na nasa Kapuso Network. Napapanood si Glydel sa “My Husband’s Lover.” Si Tonton Gutierrez (Liza’s son) ay nasa Kapamilya Network at nasa cast ng “Bukas Na Lang Kita Mamahalin.”

Dalawa ang apo ni Ms. Liza kina Tonton at Glydel at isa sa daughter niyang si Wednesday Palanca na US-based na.

Incoming search terms:

  • Edukasyon (3)
comments