Home » Timing » Benjamin, di pa ready manligaw

Benjamin, di pa ready manligaw

KASALI sa Hawaii International Film Festival ng “Sana Dati” na pinagbibidahan nina Lovi Poe, Paulo Avelino, Benjamin Alves at TJ Trinidad. Nanalo ito ng maraming awards sa nakaraang 2013 Cinemalaya Film Festival sa Director’s Showcase.

BENJAMIN AlvesAyon kay Lovi, nagsabi na siya sa kanyang manager na gusto niyang pumunta sa Hawaii, hindi lang para dumalo sa HIFF, kungdi gusto rin niyang samantalahin ang pagkakataong makapagbakasyon doon. First time ever ni Lovi makakapunta sa Hawaii, kaya excited siya. Nakatakda ang HIFF sa Oct.17-21.

Super workaholic si Lovi at aniya, mas gusto niyang marami siyang trabaho, kesa wala siyang ginagawa. Nabo-bore siya kapag nasa bahay lang siya. Hindi naman daw siya choosy, kaya tanggap lang siya nang tanggap kapag binibigyan siya ng trabaho ng manager niya.

Alin ang mas nag-e-enjoy siyang gawin, mainstream or indie movie? “Mas nahihirapan ako sa mainstream,” ani Lovi. “Sa indie kasi, mas may freedom kang gawin kung ano’ng gusto mo. At saka kakaiba ang tema. Sa mainstream, ang laki ng expectations sa box-office results. Nakaka-pressure.”

Sa Wednesday (Sept.25) na mapapanood ang “Sana Dati” sa commercial theaters nationwide at umaasa si Lovi na susuportahan ito ng moviegoers. Released ito ng GMA Films.

Single!
Hindi isyu kay Benjamin Alves kung si TJ Trinidad ang nanalong Best Supporting Actor sa “Sana Dati.” Ani Benjs, magaling si TJ sa naturang movie at deserve nito ang award. “I’m happy for him,” ani Benjs. Proud siyang bahagi siya ng naturang indie movie at nakatrabaho pa niya si TJ, pati si Lovi Poe. Masarap at magaan daw katrabaho ang mga ito.

Isa si Benjs sa tatlong leading men ni Lovi sa “Sana Dati” (TJ at Paulo Avelino). Hindi ba niya na-type-an pormahan ang aktres? Napatawa ng mala-Piolo Pascual (his uncle) si Benjs na aniya, super lovable and pretty si Lovi. But at this point, ayaw muna niyang manligaw kahit kaninong babae. “Nag-e-enjoy muna ako ngayon sa pagiging single. Wala pa talaga akong nahahanap. Saan kaya ako pwedeng makahanap?” (mala-Piolo na namang tawa ni Benjs.

Hindi na namin siya kinulit tungkol sa naudlot nilang “something” ni Max Collins noong nagkatrabaho sila sa “Coffee Prince.” Basta ang alam namin, sumama ang loob sa kanya ni Max dahil clueless ito kung bakit dumistansiya na siya matapos ang CP.

Hands-on dad
Hands-on dad si TJ Trinidad sa kanyang one-year-and-two-month-old son na si Alonso. Aniya, kahit may yaya ito, mas gusto niyang siya pa rin ang nag-aalaga kapag nasa bahay siya at walang taping or shooting.

Siya ang unang nagpaligo sa baby a few days after ipanganak ito ng kanyang non-showbiz wife.

Malaki ang nabago sa buhay niya simula nang nagka-baby sila, ayon kay TJ. Mas nagkaroon ng kahulugan ang buhay niya, mas lalo siyang na-inspire magtrabaho at parang parating ang gaan-gaan ng pakiramdam niya sa tuwing makikita niya ang kanyang anak.

Blessing talaga sa kanya si Baby Alonso at feeling ni TJ na lucky charm niya ito. Nanalo siyang Best Supporting Actor para sa indie film na “Sana Dati.”

May bago ring primetime teleserye si TJ at kasama siya sa cast ng “Genesis,” topbilled by Dingdong Dantes and Rhian Ramos with Mark Reyes and Joyce Bernal at the helm. Bad guy ang character ni TJ at aniya, he doesn’t mind dahil trabaho lang ito. Next month na mapapanood ang “Genesis.”

Incoming search terms:

  • jimmy duavit lawsuit (1)
comments