Home »Lakbay Diwa »Alagad ng sining

Alagad ng sining

 

Try to discover your God-given skills and talents. Aim to develop them to the fullest to become a well-rounded

Ang mga sikat na awiting pamasko tulad ng “Pasko na Naman”, “Ang Pasko ay Sumapit” at “Misa de Gallo” ay nilikha ni Levi Celerio.

Nadadala ang ating emosyon kung naaririnig natin ang mga awiting pag-ibig tulad ng “Kahit Konting Pagtingin”, “Saan ka man Naroroon” o “Gaano ko ikaw Kamahal”.

Ang mga lolo’t lola natin ay napapaindak noon sa saliw ng tugtuging “pitong gatang”, “waray-waray” “alibangbang”

Ang sapagkat kami’y tao lamang ay isa sa mga obra-maestrang awit ni Levi.

Bukod sa magaling lumikha ng mga awitin nabantog rin sa buong mundo si Levi dahil sa kakaiba niyang husay sa pagtugtog na gamit ang dahon. Kinilala siya ng Guiness Book of World Records.

Namatay si Levi Celerio noong Abril 2, 2001 sa gulang na 91 taong gulang. Siya ay namatay na salat sa salapi sa kabila ng paglikha niya ng 4,000 awitin.

Nalungkot ang maraming Pilipino nang mamatay si Levi.

Siya ang tinaguriang isang henyo sa larangan ng musika. Ang mga Pilipino ang natutuwa sa mga nilikha niyang mga awitin.

Kahit wala na sa mundong ito si Levi Celerio, nananatili siyang buhay para sa mga Pilipino dahil sa mga walang kamatayan niyang awitin.

Para sa mga Pilipino isang magaling na alagad ng sining si Levi Celerio dahil ginamit niya ang kanyang talino upang maipagmalaki ang kulturang Pilipino.

Incoming search terms:

  • alagad ng musika song (1)
  • alagad ng sining tumutugtog ng dahon (1)
  • anong tempo na mabagal (1)
  • awitin na may mabagal na tempo (1)
  • mga awit na may mabagal na tempo (1)
comments