Home »Timing »Sharon feels betrayed

Sharon feels betrayed

 

Malaman ang sinabi ni Raymart Santiago sa huling interbyu sa kanya on national television. To quote him, “Dapat naman normal nagtutulungan ang magkakapatid, di ba?”

SHARON CunetaPatama kaya ito sa estranged wife niyang si Claudine Barretto? Sa isyu sa mag-asawa, all-out support kay Raymart ang mga kapatid niya. Pinaka-vocal si Randy sa pagtatanggol kay Raymart na anang huli, pinoprotektahan lang siya ni Randy.

Sa panig ni Claudine, magkakampi sina Gretchen at Marjorie laban sa kanya. For sure, hurting inside si Claudine dahil hindi niya maasahan ang suporta ng kanyang mga kapatid sa laban niyang ito. Mag-isa niyang kinakaya.

Emote
Palaisipan at nakakaintriga ang emote ni Sharon Cuneta sa kanyang twitter account. Sino kaya ang taong malapit at mahal niya ang nag-traydor sa kanya?

Ayon sa megastar, nasira ang friendship nila ng taong ‘yun dahil binale-wala nito ang matagal nilang pinagsamahan at tiwala niya sa taong ‘yun.

Emote pa ni Sharon, loyal siyang tao. Kaunti nga lang daw ang mga kaibigan niya. Pero may isa palang traydor.Ano kaya ang ginawa ng taong ‘yun kay Sharon? Showbiz o non-showbiz kaya ‘yun?

Abangan na lang kung pangangalanan ng megastar ang taong sumira sa kanilang friendship. Knowing the entertainment press na malapit kay Sharon o hindi man, gagawa ang mga ito ng paraan para malaman kung sino ang nag-traydor na kaibigan niya.

Walang nabago
Mainit pa rin ang naging pagtanggap kay Charice ng fans niya abroad noong mag-perform siya sa MLB (Major League Baseball) Beacon Awards sa Chicago,USA. Siya ang kumanta ng national anthem ng USA at umani ng masigabong palakpakan si Charice mula sa audience.

May mga nag-akalang baka maapektuhan ang singing career ni Charice noong nag-out siya na lesbian siya. Pero walang nagbago at hindi nabawasan ang paghanga sa kanya. Ang kasarian lang naman ni Charice ang nabago sa kanya, hindi ang maganda niyang boses na hinahangaan sa kanya.

Patuloy pa rin ang international bookings ni Charice at may gagawin pa siyang bagong album abroad. Inaabangan ng Pinoy fans ni Charice ang back-to-back concert nila ni Aiza Seguerra on September 28 sa Smart-Araneta Coliseum.

Super Sireyna
Tampok ngayong Sabado sa “Magpakailanman” ang istorya ng buhay ni Francine Garcia, ang nanalong Super Sireyna Queen of Queens sa “Eat Bulaga.” Iba’t ibang pangalan ang ginagamit ni Francine kapag sumasali siya sa mga gay beauty contest. Heart Evangelista, Iya Villania ,Kim Chiu.

Kim Chiu ang ginamit ni Francine sa SSQQ sa “Eat Bulaga.” Si Francine mismo ang gaganap as herself/himself sa “Unang Lipad Ni Super Sireyna:The Francine Garcia Story” kasama sina Rita Avila, Jordan Herrera at Boy2 Quizon mula sa direksiyon ni Maryo J. delos Reyes.

Alamin ang mga pinagdaanan sa buhay ni Francine at kung paano tinanggap ng kanyang pamilya ang landas na pinili niya. Tutok lang sa “Magpakailanman” pagkatapos ng “Vampire ang Daddy Ko” sa GMA7.

comments