Home »Timing »Hindi competition kundi exhibition

Hindi competition kundi exhibition

 

“BAMBOO Flowers”ang ”film entry ni direk Maryo J. delos Reyes sa Sineng Pambansa National Film Festival All-Masters Edition. Premiere night nito on Sept. 8, 2013 sa SM Megamall Cinema 7 at regular showing naman simula Sept. 11-17 sa SM cinemas nationwide. May special red carpet premiere sa Island City Mall, Tagbilaran, Bohol on Oct. 26.

Maryo J de los ReyesAni direk Maryo, hindi competition, kundi exhibition ng mga pelikulang ginawa ng mga master directors ang Sineng Pambansa National Film Festival. Among them ay sina direk Peque Gallaga, Elwood Perez, Chito Rono, Gil Portes, Joey Reyes, Joel Lamangan, Tikoy Aguiluz, Romy Suzara, Mel Chionglo. Each of them ay binigyan ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ng P1.5- million budget.

Sa hometown ni direk Maryo sa Bohol kinunan ang kabuuan ng “Bamboo Flowers.”Natapos niya ito in 21 shooting days at aniya, nag-abono pa siya at nangutang para matapos ang pelikula. Honorarium lang ang talent fee ng kanyang mga artista.

Thankful si direk Maryo na may mga kaibigan siyang tumulong para matapos ang project. Si Dingdong Dantes na nakatrabaho ni direk Maryo sa “Pahiram ng Sandali”ay nagkusang-loob na sagutin ang kundi exhibition
food and venue ng presscon ng ‘Bamboo Flowers”sa Annabel’s restaurant, T. Morato, QC

No awards
Impressive ang trailer ng “Bamboo Flowers”kung saan ipinakita ang kagandahan rig Abatan river sa Bohol. Ang gaganda ng bamboo flowers na parang mga chandelier na nakasabit sa paligid ng river.

Ayon kay direk Maryo, tatlong istorya ang BF. Tungkol sa mga bata (kids), kabataan (teens) at young adults. “The film talks about the youth’s problems, hopes and aspirations;about love and life;about sacrifice, forgiveness and acceptance;about life and death. I feel I have a very good project,”wika ni direk Maryo.

Aniya pa, walang awards ang Sineng Pambansa National Film Festival All-Masters Edition. Pero magkakaroon ng Audience Choice Award. “Matatanda na kami (directors) para pag-awayin. We have nothing to prove. I did “Bamboo Flowers”as my contribution to the movie industry. Sineng Pambansa aims to help na revive ang film industry.”

Ayon pa kay direk Maryo, piano niyang isali ang “Bamboo Flowers”sa international film festival. Siyanga pala, si Ruru Madrid ang kumanta ng theme song ng “Bamboo Flowers”na pinamagatang “Maging Akin.”Kinanta niya ito noong presscon.

May bonus pang mala-mini-concert ang grupong Masculados na kinabibilangan ni Orlando Sol, ang love interest ni Max Collins sa “Bamboo Flowers.”Ipinakita rin ang MTV ng kanta nilang “Di Ko Mapigil,”kung saan kasama ng Masculados ang Cebu inmates sa naturang music video.

May show bukas ang Masculados sa Off the Grill, Timog, QC at 10 p.m. Billed “Di Ko Mapigil”MTV Launch, special guests sina Max Collins at Ruru Madrid.

Incoming search terms:

  • kundi cache (6)
  • $aniya kundi (2)
  • romy suzara (2)
comments