Home » News » Oyo, dading-daddy na ang dating

Oyo, dading-daddy na ang dating

Manila, Philippines – DADING-daddy na talaga mag-isip ngayon si Oyo Sotto. Gone are his happy-go-lucky days.

OYO Boy Sotto“Iba na ang priorities ko ngayon. Noong binata pa ako, ang iniisip ko lang, sarili ko. Ngayon, ’yung mga anak ko na. ’Yung mga kinikita ko, itinatabi ko para sa mga pangangailangan nila gaya ng pagkain, damit, schooling at kung anu-ano pa. Mahirap, masaya, challenging ang maging tatay,” lahad ni Oyo nang nakausap ng Tempo sa presscon ng “Vampire ang Daddy Ko.”

Dalawa ang anak nila ng wife niyang si Kristine Hermosa. Isang 5-year old boy named Kiel na adopted son nila at ang tunay nilang anak, si Ondrea Bliss, one year and two months old. Nasa preparatory school na si Kiel kaya kailangang magsipag siya sa pagtatrabaho, ani Oyo.

Balik-GMA si Oyo matapos siyang lumabas sa mga programa ng TV5. Aniya, per show ang kontrata niya at wala siyang network contract kaya pwede siyang lumabas sa ibang network. Happy si Oyo na ang kanyang daddy Vic ang kasama niya sa comeback project niya sa Kapuso Network. Mag-amang vampira ang ginagampanan nila sa “Vampire ang Daddy Ko” na si Oyo ang tatay at anak niya si Vic.

“Nagulat ako sa role ko. Na-weirduhan ako. Natatawa ako kapag tinatawag kong anak si daddy,” sambit ni Oyo. Aniya, sadyang nagpahaba siya ng buhok for his role. Hindi nga siya sanay dahil mas gusto niya ’yung short hair or skin head.

Kumusta naman sila ni Pauleen Luna? Totoo bang galit siya sa current girlfriend ng kanyang daddy? “Hindi pa kami nagkikita ni Pauleen. Baka this Saturday (March 9), magkita kami sa ‘Eat Bulaga.’ Magpo-promote ako ng ‘Vampire ang Daddy Ko.’ Siguro, magha-‘Hi!’ ako sa kanya. Ewan ko. Bahala na,” nakangiting sabi ni Oyo.

Aniya pa, “Kung sino o ano ang makakapagpaligaya kay daddy, okey lang sa akin. Pagbali-baligtarin man ang mundo, siya pa rin ang tatay ko. Respeto na lang sa kanya.”

Hindi pa rin nila nakakasama si Pauleen sa family gatherings ng mga Sotto. Siguro raw, it will take time bago mangyari ’yun. Noong si Pia Guanio pa ang karelasyon ng daddy niya, matagal din bago nila ito nakasama sa kanilang family gatherings, ayon kay Oyo. (Rowena Agilada)

Incoming search terms:

  • vampire ang daddy ko (23)