Home » Lakbay Diwa » Inspirasyon sa buhay

Inspirasyon sa buhay

When you wake up you have two choices it’s either you sleeps again and continue to dream or stand up make your dreams real.

Ang napakagandang berso na nasa itaas ang aking nabasa pagbukas ko ng aking cellphone isang umaga.

Panahon na naman ng “graduation.” Ito ang panahon kung saan malalanghap na ng mga mag-aaral lalo na ng mga magulang ang konting kaginhawaan sa mga gastusin. Kung ang mga anak ay nagtapos sa elementary o haiskul dalawang buwan ang pahinga ng magulang sa mga gastusin.

Hindi alintana ng magulang ang laki ng gastos sa pag-aaral lalo na kung nagtatamo ng karangalan ang mga anak nila.

Tunghayan natin ang karanasan ni Father Len Hernandez noong magtatapos siya sa mababang paaralan.

Naglambing ng bagong long sleeves at sapatos si Father Len sa kanyang magulang. Ngunit ang sabi ng kanyang ama ay gamitin na lamang ang ginamit ng kuya niya noong nakaraang taon.

Walang nagawa ang nanay ni Father Len sa kagustuhan ng ama niya ngunit nakiusap na lamang ito na saksihan ang pagtatapos ng anak. Humirit pa ang ama na hindi siya makakapunta dahil marami siyang tahi sa araw na iyon.

Awang-awang napatingin ang ina sa anak at sinabing kahit hindi pwede ang ama niya ay siya na lang ang papanhik ng stage at magsasabit ng medalya sa anak.

Nagulat ang ama ni Father Len. Hindi niya inaasahan na may medalyang matatanggap ang anak.

Dahil sa tuwa ng ama ay biglang binigyan ng pera si Father Len upang ipamili ng bagong sapatos, pantalon, polo at pati neck tie. Gusto raw niya na bago ang mga isusuot ng anak pagtanggap ng medalya. At himirit pa ang ama na siya raw ang magsasabit ng medalya sa anak.

Nasilayan ni Father Len na napakasaya ng ama niya.

Incoming search terms:

  • ang inspirasyon ko sa buhay (202)
  • ang aking inspirasyon sa buhay (98)
  • yhse-gt (40)
  • ang inspirasyon ko sa buhay essay (28)
  • ang inspirasyon ko sa buhay sanaysay (13)
comments