Home »Dear Heart »‘Inilayo ng ina ng aking nagtaksil na kinakasama ang anak’

‘Inilayo ng ina ng aking nagtaksil na kinakasama ang anak’

 

Dear Tita Belle,

Namana ko sa aking namayapang magulang ang maliit na lupa at bahay sa Pampanga ngunit naipagbili ko ito nang magdesisyon si Charlie na pumunta ng New Zealand. Apat na taon kaming nag-live-in ni Charlie at nagbunga ng isang anak. Limang buwan lang nagpadala sa akin si Charlie at hindi sapat ang padala niya sa aming mag-ina kaya ako ay namasukan bilang tindera. Iniiwan ko lang sa aking kapitbahay ang aking anak na si Christopher. Inaabutan ko ng konting halaga ang nag-aalaga sa aking anak na si Christopher.

Mag-iisang taon nang hindi nagpapadala si Charlie at nabalitaan kong nagpakasal na siya. Isang araw ay kinuha ng ina ni Charlie si Christopher sa kapitbahay na pinag-iwanan ko. Nagalit ako kay Maribel dahil ibinigay niya ang aking anak ngunit nangako daw ang matanda na ibabalik ang bata. Pinuntahan ko na ang dating inuupahang bahay ng pamilya ni Charlie ngunit wala na sila roon.

Carmen

Dear Carmen,

Alam ko kung gaano kasakit ang nangyari sa iyo. Hindi pa nakontento ang pamilya ng lalaking minahal mo, kinuha pa ang isang anghel ng iyong buhay. Masakit ang iwanan ng minamahal ngunit walang kasingsakit sa isang ina ang mawalay sa anak niya.

Tanggapin mo ang nangyari bilang pagsubok at labanan mo ito.Paunlarin mo ang iyong sarili. Magsumikap at mag-ipon ka upang may madukot ka sa oras ng iyong pangangailangan. Mas maganda kung magpapatuloy ka ng iyong pag-aaral upang may maipagmalaki ka sa anak mo kapag nagkita kayo sa grasya ng Diyos. Magpaganda ka at sumali ka sa mga samahang tumutulong sa mga mahihirap. Wala ka mang maitulong na pinansyal, malaking bagay ang nagagawa mo sa paglalaan mo ng oras sa mga taong walang kumakalinga. Bukod sa makakatulong ka na ay malilibang ka pa. Hindi mo namamalayan ang pagdaan ng panahon at magkikita rin kayong mag-ina. Manalig at magtiwala ka sa Diyos.

Tita Belle

Incoming search terms:

  • Kantutan Ng Pamilya (81)
  • ina at anak nagkantutan (65)
  • kantutan sa pamilya (43)
  • mag ina nag kantutan (40)
  • mag-ina nagkantutan (31)
comments