Home » Dear Heart » ‘Ninais ang malusog na pagbubuntis sa panganay na anak’

‘Ninais ang malusog na pagbubuntis sa panganay na anak’

Dear Tita Belle,

Nagkahiwalay ang aking ama at ina noong labing-isang taong gulang lang ako. Tatlo kaming magkakapatid at ako lang ang kinuha ng aking ama. Ang dalawa kong kuya ay nasa piling ng aking ina at doon na sila naninirahan sa Cebu. Nag-asawang muli ang aking ama at ina. Malupit ang aking naging madrasta at konting pagkakamali ko ay sinasabunutan o kaya pinapalo na niya ako. Kahit nakikita ng aking ama ang ginagawang pagmamalupit sa akin ng kanyang kinakasama ay parang nagbubulag-bulagan lang siya.

Dahil sa hindi ko naramdaman sa aking pamilya ang pagmamahal ay nakipagnobyo na ako at sa gulang na labing-walong taong gulang ay naikasal kami ni Adrian sa huwes. Sa kasalukuyan ay dinadala ko sa aking sinapupunan ang bunga ng aming pagmamahalan. Lalo kong naramdaman ang pag-ibig ng aking asawa nang malaman niyang ako’y nagdadalang-tao na. Sana po ay mabigyan ninyo ako ng mga tips o insights tungkol sa malusog na pagbubuntis.

LHEILA

Dear Lheila,

Nararamdaman ko na binigyan ka ng Diyos ng isang mapagmahal na asawa. Hindi mo man nakamit ang kaligayahan sa una mong pamilya at kalupitan pa ang iyong naranasan, mapalad ka ngayon at ang binubuo mong pamilya ay magiging matatag at maligaya. Gawin ninyong sentro ng inyong pagsasama ang Panginoon upang tuwid na landas ang inyong patuloy na tahakin.

Sana matulungan ka ng aking karanasan at mga nabasa tungkol sa malusog na pagbubuntis. Unang gawin mo ay makipagkita ka sa isang OB Gyne (Obstetrician Gynecologist) siya ang doctor na espesyalista sa pangangalaga sa mga buntis at siya rin ay may kakayahang magpaanak. Marami siyang maipapayo saiyo para mapangalagaan mo ang iyong sarili at ang sanggol sa iyong sinapupunan.

Ang babae ay dapat na umiwas makalanghap ng amoy ng sigarilyo o manigarilyo lalo na kung bunits dahil ito ay masama saiyong sarili at sa sanggol. Iwasan mo rin ang mga alcoholic drinks. Ipinagbabawal ang mga hormonal contraceptives at ibang antibiotics na tulad ng analgesic, antidepressant at antihypertensive sa panahon ng pagbubuntis.

Sapat na pahinga at tulog ay kailangan ng mga buntis. Kumain ka ng prutas at gulay at uminom ng gatas upang maging malakas ka at malusog kayong mag-ina. Binabati kita at ang iyong asawa sa darating na sanggol.

TITA BELLE

Incoming search terms:

  • mga bawal sa buntis (56)
  • bawal sa buntis (52)
  • ano ang bawal sa buntis (23)
  • ano ang mga bawal sa buntis (18)
  • ano dapat gawin ng buntis para malusog ang sinapupunan niya (17)
comments