Home » Timing » Ronnie Ricketts palihim ang diskarte

Ronnie Ricketts palihim ang diskarte

Ricketts family

Manila, Philippines – THREE years and three months nang nanunungkulan si Ronnie Ricketts bilang chairman ng Optical Media Board (OMB) at kahanga-hanga ang performance niya and his staff. Maraming awards at recognitions ang natanggap niya Ricketts, tulad ng Face of the Global Anti-Piracy ng TFC-ABS-CBN, Certificate of Recognition on Anti-Piracy mula sa Famas, Intellectual Property Office of the Philippines-IPR Enforcement Champion at MMDA Achievement Award.

Kabilang rin sa mga pagkilalang natanggap niya ang SM Cinema Certificate of Recognition Association of Video Distributors in the Philippines (AVIDPHIL) and Motion Picture Anti-Film Piracy Council, Certificate of Recognition upholding anti-piracy, Plaque of Recognition Against Piracy mula sa PARI at AWIT Awards, Recipient of Fernando Poe, Jr. Memorial Award at Walk of Fame, Eastwood.

Kamakailan lang, tinanggal ng Office of the United States Trade Representative (USTR) sa kanilang listahan ng piracy hot spots ang Quaipo shopping district.

The OMB was commended by the Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPhl) for contributing the second highest amount of seized pirated and counterfeit goods among law enforcement agencies under the National Committee on Intellectual Property Rights (NCIPR). From Jan. 1 to Nov. 30, 2012, OMB has seized P1,130,073, 350.00 worth of pirated products out of the total P4,988,645,292.00.

Respeto lang
Paano ginagawa ni Chairman Ricketts ang kanyang trabaho?

“Respeto lang sa isa’t isa at pakikipag-usap ng mahinahon. Hindi kailangang daanin sa dahas o takutan. Ipinapaliwanag kong mabuti sa kanila (nagbebenta ng pirated products) ang anti-piracy campaign namin. Naglilibot kami sa mga eskuwelahan at probinsiya,” words to that effect na pahayag ni Chairman Ricketts sa isang pakikipag-usap sa kanya.

Aniya pa, nakakataba ng puso ang mga recognition at awards na natatanggap niya. Sulit daw lahat ng effort nila sa kanilang anti-piracy campaign.

Nabanggit din niyang magkakaroon sila ng “Ugnayang Pangkabuhayan” project kung saan ang mga dating nagbebenta ng pirated tapes ay bibigyan ng bagong pagkakakitaan. Bilang alternative, magbebenta ang mga ito ng cosmetics, clothing apparel, shoes, among others. Early January next year ang launch nitong project.

Magtuturo rin siya ng karate sa mga kabataang Muslim sa Quiapo area. Mag-uumpisa ang session on Jan. 12, 2013 sa isang mosque na ginawang gym sa naturang lugar.

Ideal family man
Sa on-going Metro Manila Film Festival, kahanga-hanga ang ginagawa ng OMB para matiyak na walang festival entries na mapipirata. “Kinakausap ko sila (pirated DVD vendors). Respetuhan lang naman,” ani Chairman Ricketts na naglilibot din siya sa mga sinehan.

May time pa kaya siya sa kanyang pamilya?

“Oo naman! Ako pa?” sagot niya.

Super thankful siya na very understanding at supportive ang wife niyang si Mariz and their two teen-age daughters, Marella and Marie. They eat out, nagma-malling. Natutuwa raw ang mga anak niyang kapag lumalabas sila, wala siyang kasamang bodyguard.

Siya rin ang nagda-drive for them. Simple, happy family ang mga Ricketts.

Aniya pa, kapag magre-raid ang OMB team niya, hindi na niya ipinapaalam kay Mariz para hindi ito kabahan at mag-alala.

“Pagkatapos na lang,” ani Ricketts. “Yung daughters ko, they always tell me, mag-iingat ako parati and be nice to other people.”

Incoming search terms:

  • marella ricketts (28)
  • ronnie ricketts and mariz (1)
comments