Home » Local » Celebs’ New Year resolutions, getaways

Celebs’ New Year resolutions, getaways

 

Manila, Philippines – ILAN sa mga celebrities ang maagang nagpunta sa Boracay Island upang doon salubungin ang bagong taon. Kabilang na rito si Karylle, at ang mag-asawang Aga Muhlach at Charlene Gonzales.

Nakapanayam namin si Aga habang nasa kanyang holiday getaway. Tinanong namin siya tungkol sa pagkaka-disqualified niya sa congressional race ng Camarines Sur.

Aniya, “Tuloy ang laban.“

Samantala, mas pinili ni Karylle na salubungin ang 2013 sa Boracay, kahit nasa ibang bansa ang kanyang inang si Zsa Zsa Padilla. Gusto raw niya talaga ang kapaligiran dito.

Hindi naman malinaw kung kasama niya ang boyfriend na si Yael Yuzon ng Spongecola.

Resolutions
Nagpahayag na rin ang ilang celebrities ng kanilang New Year’s resolutions:

ALICE Dixon: “Noong bata ako, I used to have resolutions pero no napag-isip-isip kong anytime naman ay puwede mong baguhin ang isang bad habit mo, isang bagay, nawala na rin yung New Year’s resolution ko.“

Ahron Villena: “Siguro babawasan ko yung pagiging sensitive ko, kasi napaka-sensitive kong tao, and siguro yung pagwo-workout a tri-triplihen ko na dahil magsa-sum mer na naman. Yun lang naman.“

Edgar Allan Guzman: “New Year’s resolution ko ay palagi naman, na mas maging focused sa trabaho, sa career ko at sa pamilya, yun pa rin at yun yung goal ko. Sa 2013, mas mag-focus pa ako at mas maraming time sa pamilya.“

Alex Gonzaga: “Siguro just be more positive sa akin this 2013, stay away from negativity, iwasan yung mga bagay na makakalungko sa yo.“ (Arniel C. Serato)

Incoming search terms:

  • sanaysay tungkol sa new year\s resolution (13)
comments