Home » Local » Coleen is Gab’s latest conquest: How long will they last?

Coleen is Gab’s latest conquest: How long will they last?

Manila, Philippines – “IPINAGDARASAL ko na lang,” nakangiting sabi ni Angeli Valenciano nang kumustahin namin ang relasyon ng anak nila ni Gary Valenciano na si Gab at Coleen Garcia. Sabi ni Angeli, magkaibang-magkaiba ang mga anak niyang sina Gab at Paolo pagdating sa pakikipagrelasyon.

GAB Valenciano and Coleen GarciaSi Paolo, stick to one. Magpapakasal na ito next year sa long-time girlfriend na si Samantha (pamangkin ni Martin Nievera). Eh, si Gab? Papalit-palit ng girlfriend. Unang showbiz girlfriend niya si Nikki Gil na girlfriend ngayon ni Billy Crawford. Nagkaroon din si Gab ng non-showbiz GF.

Sumunod si Rachelle Ann Go na tandang-tanda pa namin ang sinabi ni Paolo noong magkarelasyon pa sina Gab at Rachelle. “Tingnan natin. For how long naman kaya sila?” sabi ni Paolo na nakangiti pa.

After Rachelle, si Isabel Oli ang nakarelasyon ni Gab. And now, si Coleen Garcia na much younger kay Gab. Napangiti na lang si Angeli when told na ang ganda at ang bata ng future daughter-in-law niya. For now, super in love si Gab. Kesyo, kinausap na niya ang parents ni Coleen bilang assurance na seryoso siya sa pakikipagrelasyon sa tisay na dalaga. Basta si Angeli, nangingiti na lang. Gano’n din kaya si Gary V.? (Rowena Agilada)

Incoming search terms:

  • gab and coleen (26)
  • latest news in philippines march 16 3014 showbiz (2)
  • gab latest fiancee to jeffery (1)
  • gab valenciano nikki gil (1)
comments