Home » Lakbay Diwa » Pahiram ang Buhay

Pahiram ang Buhay

“Alalahanin mo na ang nangyari sa kanya ay mangyayari rin sa iyo: Ako ngayon, bukas ay ikaw naman.”

Nakalulungkot isipin na darating ang panahon ng paghihiwalay. Kung hindi man tayo ang mauna ay sila ang lilisan.

Narito ang istorya na nangyari kay Franklin Pierce, ika labing-apat na presidente ng Amerika.

Noong taglamig o winter ng Enero 6, 1853 at nakasakay ang unang Pamilya sa isang express train ng nahulog ito sa bangin. Nang magkamalay si Frank ay hinanap niya agad ang kanyang mag-ina. Si Jane, ang kanyang maybahay ay sugatan ngunit si Benny, labing isang taong gulang ay namatay sa trahedya.

Noon sila lumipat sa bagong mansion. Isinumpa ni Frank sa asawa na paliligayahin niya ang kanyang kabiyak. Ngunit pag-akyat ni Jane sa bagong tirahan nila ay tuloy-tuloy ito sa kanilang silid-tulugan at hindi na siya lumabas sa loob ng dalawang taon nilang paninirahan sa White House.

Araw-araw ay sinusulatan ni Jane ang kanyang anak na namatay.

Nagluksa si Jane hanggang sa siya ay namatay.

Tinawag si Jane ng mga taga-media na “the shadow in White House.” Hindi alam ni Jane na ang ating mga mahal sa buhay ay pahiram lamang sa atin. Kaya’t magandang pilosopiya iyong ganito:

“Hanggang buhay ka ay ipadarama ko sa iyo ang aking pagmamahal nang hindi ako magsisi pagdating ng panahon.”

Kung ang buhay mo ay tila walang direksyon at paikot-ikot lamang, huwag mong hayaang mawasak ang iyong buhay nang gayon na lamang habang tayo ay buhay pa. Maari kang lumapit sa Diyos at manalangin upang magkaroon ng bagong direksyon ang iyong paglalakbay.

Incoming search terms:

  • pahiram lamang (1)