Home » Local » ‘I Do Bidoo’ muntik maudlot

‘I Do Bidoo’ muntik maudlot

By NITZ MIRALLES

Manila, Philippines – UMABOT sa P30 million ang production cost ng musical movie na “I Do Bidoo Bidoo” na co-produced ng Unitel Productions headed by Mr. Tony Gloria at Studio 5. Si Mr. Gloria at direk Chris Martinez ang nag-announce nito sa pagharap nila sa press para pag-usapan ang pelikulang based sa songs ng Apo at showing starting August 29.

Kinomisyon ni Mr. Gloria si direk Chris to write the script na inabot ng isang taon, pero tuwang-tuwa siya dahil maganda ang kinalabasan. Natuwa rin ang Apo member na si Jim Paredes nang ipakita sa kaniya ang script. By January this year nagsimula ang shooting ng movie at si Chris na rin ang nag-direk.

Kasama sa production cost ang state-of-the art equipment na ginamit sa shooting, talent fee ng cast, staff at crew, at rights sa 18 Apo compositions, kung saan 17 ang ginamit sa movie at ang “Kabilugan ng Buwan” ay ginamit na musical score.

Ang 17 songs na ginamit sa movie ay: “Do Bidoo Bidoo,” “Pumapatak Na Naman ang Ulan,” “Syotang Pa-Class,” “Awit ng Barkada,” “Panalangin,” “Tuyo ng Damdamin,” “Mahirap Magmahal ng Syota ng Iba,” “Salawikain,” “Ewan,” “Nakapagtataka,” “Batang Bata,” “Blue Jeans,” “Kaibigan,” “Huwag Masanay sa Pagmamahal,” “Paano,” “‘Di Na Natuto” at “Pag-ibig.”

As to the cast, sabi ni Mr. Gloria: “Pinag-usapan namin ang cast na dapat marunong gumalaw at kumanta dahil hindi lang acting ito, may singing and dancing pa. Alam agad namin na bagay kina Zsa Zsa Padilla at Gary Valenciano ang role ng parents ni Tippy (Dos Santos). Si Eugene Domingo naisip nang binubuo na ang cast. We watched her in ‘Ang Babae sa Septic Tank’ and she can sing and she took voice lesson in preparation for this movie. Nang pumasok si Eugene, madali na si Ogie Alcasid. Sina Sam Concepcion at Tippy Dos Santos, nag-audition, gusto ko young couple na may chemistry at magaling kumanta.”

Ang “I Do Bidoo Bidoo” ay inspired ng Broadway musical na “Mama Mia” na napanood ni Mr. Gloria ten years ago. Naisip niya na kung gagawin dito, kailangan popular songs sa tao at naisip niya ang Apo and their compositions. Muntik hindi magawa ang movie dahil twice nag-expire ang kontrata, pero natuloy din at sa Aug. 29, in 2D form mapapanood ang pelikula.

Marami pang musical na gustong gawing pelikula sina Mr. Gloria at direk Chris, puwede raw ang songs ni Ogie at nangangantyaw na ito, compositions ni Prof. Ryan Cayabyab at George Canseco. Pero ang tuloy na ay ang “Himala the Musical” dahil nabili na ni Mr. Gloria ang rights nito.

Pero mauuna ang PETA sa kanilang “Himala (The Concert)” na gagawin sa November 2012 at kasama sa kanilang 45thTheater Season. Nakasulat na writer/music si Vince de Jesus na arranger din sa “I Do Bidoo Bidoo.”

“Maraming beses ko nang napanood ang ‘I Do Bidoo Bidoo’ at sumobra ang expectations ko. Maganda ang material at wala akong binago sa script. I just hope we find the audience,” pagtatapos ni Mr. Tony Gloria.

Incoming search terms:

  • script writers sa i do bidoo bidoo (1)
comments