Home » Local » Eugene sumalang sa teatro, dedma muna sa TV at movie

Eugene sumalang sa teatro, dedma muna sa TV at movie

By NITZ MIRALLES

Manila, Philippines – SA presscon ng stage adaptation ng “Bona,” ipinaabot ni director Soxie Topacio kay Eugene Domingo ang pasasalamat sa pagtanggap niya sa project kahit alam niyang very busy ito.

“We’re honored tinanggap ito ni Eugene. She cleared her schedule para lang sa ‘Bona.’”

Bilang sagot, nagbiro si Eugene na wala siyang kikitain for two months, habang tumatakbo ang “Bona.” Sa August 23 ang press night ng pelikula at mula August 24 hanggang September 23 ang regular run nito sa PETA Theater.

“One of my dreams ay maging bahagi ng teatro at first time ko ito sa PETA. Hindi ko lang kaya ang yearly-yearly. ‘Pag gising ko sa umaga, naiisip ko agad inuubos ang savings ko, walang tf (talent fee) dito,” biro ni Eugene.

Habang nagre-rehearsal at tumatakbo ang “Bona,” hindi muna tumanggap ng movie project si Eugene para hindi ma-divide
ang attention niya. Kaya laking pasasalamat nito na tapos na ang shooting ng “I Do Bidoo Bidoo“ at showing na sila sa August 29. Ang friend niyang si Chris Martinez ang director niya sa naturang Unitel Productions movie. “Unfair kung may movie o TV show ako habang nagti-theater ako dahil first love ko ang theater at masaya ako rito. Walang pa-star, walang intriga at company kayo. Kaya deadma muna ako sa TV at mov ie. Di ko muna sila pinapansin. Also, coming from two box-office movies, I have to help myself to be grounded and theater is per fect for me,“ sabi ni Eugene.

Hindi ginagaya
Sobra ang challenge kay Eugene sa pagganap na Bona. May physical, mental, emotional at spiritual challenge na kanyang haharapin. Ang dami niyang inayos and for one, hindi siya puwedeng hingalin.

Pakiusap lang ni Eugene, `wag . siyang i-compare kay Nora Au nor, ang original na gumanap na a Bona sa movie version.

“Hindi ko talaga kaya ang acting ni ate Guy and I’m not copying her, orig `yun. I can’t copy original works. Kaya nga kinausap ko si direk Soxie, sabi ko `di ko kaya ang ginawa ni ate Guy.“

Excited si Eugene dahil nangako si Guy na manonood ng “Bona,“ hindi lang sinabi kung kailan. Susugod na lang daw siya sa PETA, kaya kailangan lagi silang handa.

“Gusto ko maaliw si ate Guy kung manonood siya. The essence of the film is still there pa naman sa stage adaptation, but we have to cater to different audience now. Pagpupugay ito kina direk Lino Broca, scriptwriter Cenen Ramones at Nora Aunor,“ patuloy ni Eugene.

Nadala sa halikan
Nagpalabas ng two excerpts sa presscon at isa `yung may kissing scene nina Eugene at Edgar Allan Guzman, who plays Gino Sanchez, ang kina-inlabang “Next Big Star“ aspirant. Nagkatuksuhan dahil kahit madilim na, tuloy pa rin ang halikan ng dalawa at sabi ni Edgar, nadala siya.

“Pero hindi totoong sweet ang lasa ng halik ko, lasang menthol dahil pareho tayong nag-gurgle ng menthol flavor ng mouthwash,“ kontra ni Eugene kay Edgar.

Samantala, kung may kissing scene sina Eugene at Edgar sa “Bona,“ may nakawiwindang namang love scene sila ni Ogie Alcasid sa “I Do Bidoo Bidoo“ sa saliw ng awitin ng Apo na “`Di Na Natuto.“

Panoorin ang pelikula at kung bakit masasabunutan si Eugene ni Regine Velasquez-Alcasid.