Home » Local » Childless Rita talks to dolls

Childless Rita talks to dolls

Manila, Philippines – BALIK-GMA-7 si Rita Avila. Ilang teleserye rin ang ginawa niya noon, kabilang dito ang isang afternoon drama na pinagsamahan nila ni Marian Rivera.

Rita AvilaKasama si Rita sa “Sana ay Ikaw Na Nga,“ isa na namang afternoon drama na maglulunsad sa bagong tambalan nina Mikael Daez at Andrea Torres. Baliktambalan naman dito sina Rita at Jestoni Alarcon na gumawa ng maraming pelikula noon together sa Seiko Films.

Sa presscon ng SAINN, tinanong ang dalawa kung naging “sila“ ba noon o nagkaligawan ba sila. “Parang magkapatid lang kami ni Jes. Magkumpare pa dahil ninang ako ng anak niya,“ sabi ni Rita na sinang-ayunan ni Jestoni.

Jestoni is happily married to his non-showbiz wife, Lizette Capili. Kasal naman si Rita kay direk Erik Reyes. Nine years na sila, ayon kay Rita at kasal sila sa huwes. Childless sila dahil namatayan sila ng anak. Rita gave birth to a baby boy some years back pero namatay ang baby after three weeks.

Ani Rita, hindi pa rin sila nawawalan ng pag-asa ng husband niya at hoping silang magka-baby pa. “But we’re not trying hard. Kung ibibigay ni Lord, thank you,“ sabi ng aktres.

Sa presscon ng SAINN, sinagot ni Rita ang gender issue husband. Aniya, matagal nang tsismis ‘yun at wala nang dating sa kanya. “I know my husband. I think I won’t marry a gay,“ she said.

Sinagot din ni Rita ang isyung weird siya dahil kinakausap niya ang mga manika niya. “Baliw nga raw ako (laughs). I have three main dolls, sina Mimay, Popoy at Pony. Kambal sina Mimay at Popoy. Boy si Pony. Binili namin sila at ‘yung ibang dolls ko, ibinigay lang sa akin. Sila ang laruan naming mag-asawa.

“May birthdays din sina Mimay, Popoy at Pony. April 3 sina Mimay at Popoy at 8 years old na sila. June 12 naman ang birthday ni Pony at 7 years old na siya. May kanya-kanya silang higaan at marami na silang damit na binili namin. May Twitter account din sila. Sabi sa akin ng doctor, dolls can stimulate youth.“ (Rowena Agilada)

Incoming search terms:

  • rita avila baliw (13)
  • rita avila dolls (8)
  • rita avila doll (1)
  • rita avila manika (1)
  • rita avila namatay ang anak (1)
comments