Manila, Philippines – MABUTI na lang, hindi na pipikon si Alice Dixson kapag kinukulit siya ng mga nakakausap na entertainment writers tungkol sa estado ng relasyon nila ng nonshowbiz husband niyang si Ronnie Miranda.
Hindi siya naiirita sa kapapaliwanag na hindi sila hiwalay at very much together pa rin sila ni Ronnie. Akala kasi ng ibang tao’y separated na silang mag-asawa dahil madalas nasa Pilipinas si Alice, samantalang nasa Canada si Ronnie.
Kung may panahon naman si Alice, dinadalaw niya ang kaniyang asawa sa Canada.
Ayon kay Alice, physically lang sila hiwalay pero may constant communication sila. Noong nag-birthday siya last month, bukod sa binati siya ng kanyang husband, may birthday gift pa ito sa kanya. Supportive-ever ito sa kanyang acting career.
Napapanood si Alice sa “Enchanted Garden“ where she plays Alvera. Si Zoren Legaspi (as Menandro) ang love interest ni Alice. Nagkaroon sila ng anak, si Alex Gonzaga (Aya).
“Enchanted Garden“ is directed by Eric Quizon and Joel Lamangan. Nagpagawa pa ang TV5 ng bonggang-bonggang set sa Morong at Dinalu pihan, Bataan para sa out door shots. Sa Cainta, Rizal naman kinukunan ang indoor shots.
Buddy-buddy
Buddy-buddy ngayon sina Pops Fernandez at Aiko Melendez. Magkasama silang nanood ng Cinemalaya Film Festival at naengganyo silang gumawa ng indie film.
Si Pops ang producer at si Aiko ang artista niya. Magpapapayat muna si Aiko bago nila simulan ni Pops ang indie film. Suspense-thriller ang plano nila.
Both claim na loveless sila, kaya silang dalawa ang malimit magka“date.“
Sa pagkaalam naming entertainment writers, si Bulacan (Bulacan) Mayor Patrick Meneses ang huling nakarelasyon ni Aiko. Ito ang current boyfriend ni Ara Mina.
Kung tama kami, si Jomari Yllana ang huling nakarelasyon ni Pops. Exhusband ito ni Aiko at ex-boyfriend naman ni Ara.
Kung naging best of friends sina Aiko at Pops, pwede rin kayang maging buddy-buddy sina Aiko at Ara? May common denominator silang tatlo, si Jomari. O, di ba? Small world.
Suwerte!
Suwerte si Richard Gutierrez kapag naging girlfriend niya si Sarah Lahbati. Kapag nagkataon, si Rich ard ang magiging first boyfriend ni Sarah.
Unang na-link si Sarah kay Enzo Pineda noong Starstruck days nila. She was only 15 years old then. Hindi nag-pursue sa panliligaw si Enzo at nabaling ang atensyon niya kay Louise delos Reyes na ka“somethingan“ niya ngayon.
Pansin lang namin, mahilig sa mestisa at matatangkad si Richard, except for Jewel Mische na petite.
Sina Georgina Wilson at Anne Curtis ay mestisahin at matatangkad. May mga non-showbiz exgirlfriends din si Richard at isa na `yung taga-Cebu.
Itinanggi ni Sarah na siya ang dahilan ng break-up ni Richard and that Cebu lass. Basta ayon sa mga miron sa taping ng “Makapiling Kang Muli,“ pansin nilang mukhang parehong inspired sina Richard at Sarah sa pagtatrabaho. ‘Yun na!

