Home » Timing » Beatbox beauty

Beatbox beauty

Manila, Philippines – GENTLEMAN ever talaga si Derek Ramsey at hindi siya nagsasalita against Angelica Panganiban. Ipinagtatanggol pa niya ang ex-girlfriend sa twitter bashers nito kaugnay ng ipinost nitong picture nila ni John Lloyd Cruz sa Instagram. Iba’t iba ang naging reaction ng mga nakakita at nakabasa sa post na ’yun ni Angelica.

Queenierich RehmanAni Derek, huwag naman silang (twitter bashers) gano’n dahil hindi raw cheater si Angelica. Kung happy raw ito ngayon, he’s happy for her. Ilang beses nang sinabi ni Derek na kung masaya ang kanyang ex-girlfriend sa anumang namamagitan between her and John Lloyd Cruz, masaya na rin siya.

Kung pagbabasihan ang ipinost ni Angelica ng magkasamang picture nila ni JLC, mukhang may “something” na talagang namamagitan sa kanila. Diretsang pag-amin na lang mula sa kanila ang kulang.

Just recently, spotted sina Angelica at JLC na magkasama sa Citizen Pub. & Burger Bar sa City Golf Plaza sa Julia Vargas Avenue, Ugong, Pasig. Ang dami nang “sightings” sa kanila na hindi naman nila itinatanggi.

Brand-new car
May bagong car si Daniel Padilla, Starex van na kakakuha lang niya kahapon. Excited ang bagong heartthrob na kinababaliwan ngayon ng mga kabataan.

Simple lang naman kasi ang lifestyle ni Daniel kaya agad-agad ay nakapagpundar siya ng sariling sasakyan. Mahilig lang siyang magpalit ng cellphone case at aniya, hindi super expensive ang binibili niya. ’Yung swak lang sa budget niya.

Napanood namin si Daniel na nag-guest sa “Kris TV’ along with Kathryn Bernardo. Very Robin Padilla siyang kumilos at magsalita. Pormang-porma ng kanyang tito Robin si Daniel. Sinasadya kaya niyang gayahin ito o natural lang ’yun kay Daniel?

In any case, ’kaaliw ang sinabi ni Daniel na natagpuan na raw niya ang babaeng gusto niyang maging girlfriend. As if, sure na sure na siya sa feelings niya for Kathryn. Pa-demure naman ang katabi niyang si Kathryn na nagsabing, hindi pa siya handang makipag-boyfriend. Maybe after two years kapag 18 years old na siya.

Sabi pa ni Daniel, kapag may ibang babaeng lalapit sa kanya, duduraan niya ito. Grabe naman! Kay Kathryn lang daw siya. Haba ng hair ni Kathryn. Tingnan nga natin kung after two years at ready nang magpaligaw si Kathryn ay gano’n pa rin ang feelings sa kanya ni Daniel.

Selos-selosan pa ang bagets nang mabanggit si Dominic Roque na may tsikang type rin si Kathryn. Sabi ng huli, hindi niya personally kilala si Dominic at hindi pa sila naipapakilala sa isa’t isa. Pamangkin ni Beth Tamayo si Dominic na in fairness, may dating din ang bagets. Matinee idol din.

Miss World pageant
Mamaya na mapapanood sa TV5 at 5:30 p.m. ang Miss World Pageant. Si Queneerich Rehman, Miss World-Philippines 2012 ang representative ng ating bansa. Napasama siya sa finalists ng Talent at Top Model competitions at umani ng standing ovation sa talent niya sa beat boxing. Kasama rin si Queneerich sa Top 40 sa Beach Beauty competition.

Sumabak din siya sa Sports & Fitness Beauty with a Purpose.

Ang Miss World Pageant ay gaganapin sa Ordos, Inner Mongolia, China. Queneerich needs help para makuha ang Multi-Media Award ng Miss World competition.

I-Like lamang ang opisyal niyang Facebook fan page. Dagdag points kay Queneerich ang naturang award para sa pangkalahatang pageant. Pangatlo siya kina Miss Thailand at Miss Nepal sa online votes. Si Michael Cinco ang designer ng gown ni Queneerich.