Home » Local » Ricketts balik-pelikula

Ricketts balik-pelikula

Manila, Philippines – BALIK-pelikula si Ronnie Ricketts, OMB (Optical Media Board) chairman, at siya ang bida, director at producer ng “The Fighting Chefs.” Joint-venture ito ng kanyang Rockets Productions at Viva Films.

Ang big boss ng Viva Films na si Mr. Vic del Rosario ang naghikayat at nagsabi kay Chairman Ricketts na muli siyang gumawa ng pelikula. Simula kasi nang naging OMB chairman si Ronnie ay hindi na siya tumatanggap ng TV and/or movie projects. Sobrang tutok niya sa kanyang trabaho bilang OMB chairman.

Natutuwa naman si Chairman Ronnie na maraming papuri siyang tinatanggap sa mga ginagawa niyang anti-piracy campaign, kasama ang mga tauhan niya sa OMB.

Sa pagbabalik-pelikula ni Chairman Ronnie, maraming taga-industriya ang gustong tumulong sa kanya para naman masuklian ang pagtulong na ginagawa niya para maibalik ang sigla ng movie industry sa pamamagitan ng pagsugpo sa piracy. Gustong pasalamatan ni Chairman Ronnie si direk Tony Reyes na walang sawang tumutulong at sumusuporta sa lahat ng activities niya bilang OMB chairman.

Layunin din ni Chairman Ronnie na matulungan ang ibang mga kasamahan niya sa movie industry, lalo na ang “goons,” kaya isinama niya ang mga ito sa “The Fighting Chefs.” Action-comedy-drama ito na almost a year binuo ni Chairman Ronnie ang istorya.

Kasama niya sa pelikulang ito sina Vandolph Quizon, Joross Gamboa, Hero Angeles, Dinky Doo, Jeffrey Santos, Jon Hall, Jade Lopez, Roi Vinzon, Yoyong Martirez, Shalala, “Kusina Master” Chef Boy Logro, Arci Munoz at marami pang iba. Sa July 28 ang first shooting day at noong story con, sinabihan ni Chairman Ronnie ang cast na ayaw niyang may male-late. (Rowena Agilada)

comments