“Every tomorrow has two handles: You can take hold of the handle of anxiety or the handle of enthusiasm. Upon your choices, so will you be.”
Ang dalawang inspirational stories na mababasa niyo ay mula sa aklat na How To Be An Up Person in a Down World.
Isinilang noong 1850 sa New Hampshire, si Orison MArden ay tatlong taon nang siya ay maulila sa ina at pitong taon naman nang mamatay ang kanyang ama.
Naging katulong si Orison sa iba’t-ibang pamilya. Masama ang pagtrato sa kanya ng kanyang mga nagiging amo. Noon nabasa ni Orison ang librong Dr. Smile, Self-Help.
Sinasabi sa aklat na maraming kabataan na pinuno ng sigla ang puso at ambisyon ang kanilang isip kaya sila nagtagumpay. Ito ang naging inspirasyon ni Orison. Dalawang kurso ang sabay niyang kinuha – abogasya sa Boston University at medisina sa Harvard University. Lagi niyang binabanggit na ang Diyos ang numero uno nating gabay.
Narito naman ang istorya ni A.H. Graenser, isang binatang pinaalis sa kanyang tinitirhan. Ikinandado ang inupahan niyang maliit na kuwarto dahil hindi siya makapagbayad. Nawalan kasi siya noon ng trabaho.
Umuulan noon ng yelo. Wala siyang maisuot na panlamig dahil lahat ng gamit niya ay nasa ikinandadong silid. Lilimang sentimo ang laman ng bulsa ni Graenser. Biglang nakita niya ang pawis o moisture sa salaming bintana. Naalala niya ang ikinuwento sa kanya ng isang chemist na kapag pinahiran ang salamin ng glycerin soap at pinunasan ng malinis na basahan ay hindi ito magpapawis. Ibinili ni Graenser ng glycerin soap ang huli niyang pera. Hinati niya sa maliliit na piraso ang sabon at tinawag niya itong Miracle Rub. Ito ang kanyang naging munting negosyo.
Pagkaraan ng tatlong buwan ay may sarili nang kotse si Graenser. Itinatag niya ang Presto Company na gumagawa ng cleaning at polishing products. Nang siya’y tanungin kung paano siya nagtagumpay ay ito ang kanyang sagot – Panginoon, sipag at sigla.
Mababasa sa Reader’s Digest:
“We act as though comfort and luxury were the chief requirements of life, when all that we need to make us really happy is something to be enthusiastic about.”
Sinabi ni Ralph Waldo Emerson:
“Nothing great was ever achieved without enthusiasm.”

