“Prayer is the preface to the book of Christian living, the text of the new life sermon, the girding of the armor for battle, the pilgrim’s preparation for his journey. It must be supplemented by action or it amounts to nothing.”
Mahalaga ang panalangin. Ito ang paraan ng ating pakikipag-ugnayan sa Panginoon. Ayon kay A. Phelps, ang panalangin ay bahagi ng buhay. Ito ay isang paghahanda, isang paraan na kailangang takpan ng aksyon. Kung may nais tayong iparating sa Panginoon ay ipaalam natin na tayo ay taos-pusong sumusunod sa Kanyang mga kautusan.
Sa ating pansariling ugnayan nababatay ang lalim at bigat ng ating relasyon sa Panginoon. Iyan ang ating moment-to-moment relation sa Panginoon. Iyan din ay nasa ating uri ng pakikipagkapwa. Nasa ating paraan ang pamumuhay. Iyan ay bisa at bunga ng ating panalangin. Isinasaloob natin ang ating ginagawa.
Hindi ritwal ang pagdarasal. Ito ay isinasaloob. Ito ay hindi ipinakikita sapagkat personal na pakikipag-ugnayan ito sa Kanya. Kung sa pagdarasal ng rosaryo at sa bawat butil nito ay naroon ang taos na pagninilay ng mga misteryo sa buhay ng Panginoon at ang Kanyang ina ay isang uri to ng pakikipag-ugnayan na dapat nating igalang.
Kung saan-saan natin hinahanap ang Panginoon. Pero sa tuwina’y nariyan Siya – naghihintay na Siya’y ating papasukin sa ating mga puso. Nariyan Siya, nakahandang makinig at tumulong. Ang kailangan lamang ay dumulog tayo sa Kanya.
Pagnilayan ito:
“Are we talking so much that we don’t hear what God says? If so, we need to learn the art of the listening prayer.”

