Dear Tita Belle,
Noong unang pagkikita pa lang namin ni Russel ay magaan na ang loob ko sa kanya. Nang magbakasyon ako sa Maynila ay noon kami nagkakilala. Niligawan niya ako at naging magkasintahan kami. Noong 2009, ikinasal kami dito sa Palawan ngunit bumalik si Russel sa Maynila dahil sa kanyang trabaho. Hindi ako nakasama sa asawa ko dahil inaalagaan ko ang maysakit kong ina. Ako lang ang kasama ng aking ina dahil ang dalawa kong kapatid ay nasa ibang bansa na nakatira.
Doon sila nagtatrabaho at doon na nakapag-asawa.
Nauunawaan naman ni Russel na may tungkulin pa akong ginagampanan sa aking ina kaya pumayag siya na dito ako sa Palawan ay siya na lang ang uuwi dito. Ayaw kasi ng nanay ko na sa Maynila manirahan dahil lalala lang daw ang sakit niya dahil sa polusyon. Umuuwi si Russel tatlong beses sa isang taon ngunit buwanan naman siyang nagpapadala ng pera. Isang beses sa isang linggo kung siya at tumawag at bihira siyang magtext.
Kung ako naman ang nagtetext sa kanya ang tagal o hindi siya nagrereply.
Kung sumagot man siya ay sasabihin niyang I’m sorry, I’m so busy. May agam-agam ako na may pinagkakaabalahang iba ang asawa ko. May iba na kaya siyang mahal? Sa loob ng tatlong taon naming pagsasama ay hindi ko pa siya mabigyan ng anak.
Carole
Dear Carole,
Matatagpuan sa I Corinthians 13:7, “If you love someone you will be loyal to him, no matter what the cost, you will always believe in him, always expect the best of him, and always stand your ground in defending him.” Sinagot na ng Bibliya ang mga agam-agam mo, huwag mong pagdudahan ang asawa mo sa katapatan niya saiyo. Hindi sapat na dahilan na wala pa kayong anak upang maghanap siya ng ibang babae.
Tungkol sa mga text mo na hindi o bihira niyang masagot, paniwalaan mo ang sinabi niyang marami siyang trabaho.
Inaasahan ko na maiintindihan mo ang mabigat na responsibilidad na nakaatang sa asawa mo. Huwag mong hanapan ng pagkukulang ang iyong asawa, bagkus ikaw ang gumawa ng paraan upang ipadama ang pagmamahal ang pagmamahal kay Russel. Mabuting asawa si Russel dahil pumayag siya na magkalayo kayo alang-alang saiyong ina na pinagkakautangan mo ng iyong buhay.
Tita Belle
Incoming search terms:
- www tempo com ph (5974)

