“I sought my soul, but I could not see. I sought my God, by my God eluded me. I sought my brother and I found three.”
Ipinaliwanag ng paham na sumulat nito na tanging sa ating kapwa natin matatagpuan ang Panginoon, an gating maunawaing Arkitekto na lumikha ng lahat.
Sasailalim sa mahigpit na pagsubok ang mga tao kaya’t hindi pantay-pantay ang kanilang kabuhayan at katauhan. Nahahati ang mga tao sa mundo sa mga mayroon at mga wala. Bagamat may iba’t ibang kaantasan ang kanilang yaman o ang kanilang kahirapan ay naroon pa rin ang kanyang mahiwagang lihim kung bakit sila ay ganyan kayaman at ganoon sila kahirap.
Nahahati rin ang pagsubok sa dalawa: Nagbabahagi ba ang mga taong ginawa Niyang mapapalad sa mga materyal na bagay? Marunong magtiis at gumawa ng paraan upang mabuhay ang mahihirap?
Bukod pa sa pera ay ano pa ang ating maipagkakaloob sa mga nangangailangan? Sinulat ni Albert Schwetzer: “Open your eyes and look for someone who needs help and you can give a little of your time, money, efforts, friendship, sympathy, and a little human toil. But do something and do it now!”
May isang kuwento hinggil sa isang mataray na may-ari ng isang grocery store sa kanilang pook. Isang madaling-araw ay nagising na umiiyak ang may-aring babae, si Gng. Gomez. Kitang kita niya sa kanyang panaginip si Hesus at siya ay sinusumbatan dahil sa kanyang kasakiman: “Hindi mo man lamang Ako pinatuloy gayong bumabagyo at Ako’y basang basa at gutom na gutom at uhaw na uhaw…”
“Kailan po Kayo nagpunta as amin, Panginoon ko?” tanong ni Gng. Gomez.
“Hindi mo nga malalaman. Iyong matandang lalaki na inabot ng sama ng panahon sa inyong pinto at hindi mo man lamang pinapasok at pinakain o pinainom at hindi mo man lamang inabutan ng damit sa pampalit sa suot niyang basang basa,” sagot ni Hesus.
Noon napagtanto ni Gng. Gomez na mapasa-kamay man ang buong daigdig ay wala rin say say. May tungkulin siyan higit higit na mahalaga:
“Ang kaharian muna ng Panginoon bago ang lahat. Ang kanyang mga kaawa-awang nilalang bago ang iba.”
Noong 1964, nabanggit ni Martin Luther King, Jr. “We must learn to live together as brother or perish to gether as fools.
Mababasa sa Bibliya, Malachi 2:10; “Have we not all one father? Hath not on God created us?

