
Manila, Philippines – PINABULAANAN ni Atty. Felipe Gozon, GMA network chairman & CEO, ang lumabas sa isang broadsheet tungkol sa R52.5 billion acquisition price ng GMA. Sa ipinadalang official statement, nilinaw ni Atty. Gozon na hindi sila ang source ng information. “We have not signed anything with the supposed buyers,“ aniya. So, there!
Takot matsismis
Jennylyn Mercado must be really in love with Luis Manzano. Afraid siyang ma-link sila ni Sid Lucero sa isa’t isa ngayong magkatrabaho sila sa “Hindi Ka Na Mag-iisa,“ afternoon prime ng GMA-7. Nagsimula na ito last Monday (July 9).
Noong nag-promote kasi si Sid sa “Showbiz Central“ at sinabi niya kay Jen na baka sila naman ang ma-link, agad nasabi ang huli, “Baka may magalit. Hi, Mats Luis)!“ Mukhang this time, extracareful na si Jen sa pakikipagrelasyon. Ayaw niyang magkaroon ng dahilan para magalit o magselos si Luis. Gano’n din kaya ang binata?
Sabagay, sinabi ng kanyang daddy Edu Manzano sa isang interbyu na hindi na niya nakikitang nagsusungit si Luis at parati itong masaya these days. All because of love? ‘Yun na!
Prize catch si Luis at super lucky si Jen kapag sila ang nagkatuluyan bilang husband and wife. Stable na ang future ni Jen kay Luis. Malaki na ang kinikita nito sa pagso-syobis, may taxi business pa si Luis. May sarili na rin siyang bahay sa Green Meadows na bigay ng kanyang mommy (Governor Vilma Santos-Recto). Ipina-renovate ‘yun ng TV host-actor. Si Jen na kaya ang maging reyna ng tahanan na ‘yon ni Luis?
Ganda lang
Nagpatutsada si Diana Zubiri sa “Showbiz Central“ na hindi niya kailangang mangampanya para manalo lang siya noon sa FHM’s Sexiest Women. “Ganda lang. Balota lang noon, walang text votes,“ ani Diana.
Ano kaya ang masasabi ni Sam Pinto na tinanghal na Number 1 sa FHM’s Sexiest Women? Marami ang nagsasabing kinarir ni Sam ang pangangampanya at paghingi ng suporta mula sa mga sponsor ng product endorsements niya.
For the record, pinakamalakas ang benta ng FHM na si Diana ang cover noon. Naging kontrobersiyal pa nga ‘yon dahil nag-sexy pictorial siya sa EDSA-Mandaluyong flyover. Tiniyak ni Diana na dadalo siya sa FHM party this Thursday (July 12) na gaganapin sa World Trade Center. Nakahanda na ang kanyang sexy outfit.
Hot mama pa rin si Diana kahit may anak na siya. Hindi yata aware si John “Sweet“ Lapus na may anak na si Diana kaya hindi niya ito natanong tungkol sa anak. Nagpakasal ang aktres in 2008 kaya nawala siya sa showbiz circulation.
Sadly, namatay ang husband niya in 2010 sa sakit na liver cirrhosis.
Okey lang paitimin
Out na sina Joshua Dionisio at Jake Vargas bilang ka-love team nina Barbie Forteza at Bea Binene, respectively. Susubukan naman ng GMA-7 ang chemistry nina Barbie at Derrick Monasterio, Bea at Kristoffer Martin sa “Luna Blanca.“ Sina Bea at Barbie ang gaganap bilang teenagers na Luna at Blanca sa second generation nito.
Akala nga ni Bea ay sila ni Derrick ang magkapareha. Pero aniya, okey lang na si Kristoffer ang love interest niya. Nagkatrabaho na silang tatlo sa “Reel Love Presents: Twenhearts“ at du’n sila naging friends. Ani Bea, medyo maninibago lang siya kay Kristoffer dahil nasanay siyang si Jake Vargas ang kapareha niya.
Itinanggi naman ni Bea ang tsikang nagdadalawang-isip siyang tanggapin ang project dahil diumano’y ayaw niyang paitimin siya. Walang gano’n, ani Bea.
Never daw siyang nag-inarte sa mga role na ibinibigay sa kanya ng Kapuso network.

