HINDI makakapunta sina Bela Padilla at Jennylyn Mercado sa FHM’s Sexiest Women Party on July 12 na gaganapin sa World Trade Center. Kasama ang dalawang Kapuso stars sa Top 10 Sexiest Women list. No. 8 si Bela at No. 9 si Jennylyn. Ang kapuwa Kapuso star nilang si Sam Pinto ang tinanghal na No. 1.
Ayon kay Bela, may out-of-town commitment siya kaya hindi siya makakadalo sa bonggang event.
“Hindi rin ako pupunta. Pag nag-No. 1 na lang tayo, saka tayo pumunta,“ tila nadulas ang dila na wika ni Jen on national television.
Ano kayang reaction kung sakaling may taga-FHM na nakapanood sa sinabi ni Jen?
Hindi na masama na napasama siya sa Top 10. Naungusan pa nga ni Jen si Lovi Poe na No. 10.
Sa hindi pagdalo ni Jen sa FHM party, ipinapakita lang niyang hindi siya sport. Sa halip na magpasalamat siya sa mga bumoto sa kanya, ibrinodkas pa niya on national TV na hindi siya pupunta.
Para bang hindi niya ina-appreciate ang effort ng mga bumoto sa kanya at ang pagiging No. 9 niya sa FHM’s Sexiest Women roster.
Tama ba kami?
Babalik sa ABS-CBN?
How true kaya ang tsikang diumano’y gustong bumalik ni Joshua Dionisio sa ABS-CBN?
‘Heard, diumano, nagtatampo ang bagets sa GMA-7 dahil wala siyang bagong project matapos ang “Reel Love Presents: Tweenhearts.“
Noong huli namin siyang nakausap sa taping ng “Tweenhearts,“ ani Joshua, mag-aaral na lang siya uli kapag wala siyang project sa GMA. The latest we heard, gusto niyang bumalik sa Kapamilya network.
Hindi na rin napapanood si Joshua sa “Party Pilipinas,“ samantalang ang mga dati niyang kasama sa “Tweenhearts“ na sina Kristoffer Martin at Derrick Monasterio ay visible sa “Party Pilipinas.“ Gayun din sina Barbie Forteza at Bea Binene.
Ipapasok pa sina Kristoffer at Derrick sa “Luna Blanca“ bilang love interests nina Bea at Barbie, respectively. Sina Barbie at Bea ang gaganap bilang mga tin-edyer na sina Luna at Blanca.
Bakit kaya hindi sina Bea at Derrick ang magkapareha, samantalang naging open noon si Derrick na crush niya si Bea?
‘Wag pangunahan
Si Sarah Lahbati ang nagturo kay Richard Gutierrez mag-instagram na kinahihiligan ngayon ng aktor. Tinuturuan din ni Sarah si Richard mag-edit ng mga letratong kinukunan nito kapag nasa taping sila ng “Makapiling Kang Muli.“
Tsika ng mga miron sa set, kapansin-pansin diumano ang extra closeness nina Richard at Sarah. Sabi ng aktor, huwag daw pangunahan kung anuman ang nakikita sa kanila ng dalaga. Huwag daw bigyan ng kulay.
“We’re just having fun!“ he said.
Owws? Gano’n lang kaya ‘yon?
Tinutukso na nga sila ng coactors nila sa MKM. Sa tuksuhan nag-uumpisa ang lahat, remember? Malakas maka-develop ‘yan ng feelings lalo pa’t madalas kayo magkita at/o magkasama sa trabaho.
‘Andun si Sarah sa birthday party ng ate Ruffa Gutierrez ni Richard. From what we heard, diumano “all eyes“ si Richard kay Sarah at guwardiyado raw ito ng binata.
Teka lang, paano na ‘yung nonshowbiz girl na ka-“something“ ni Richard?
Wait and see na lang sa ibang developments kina Richard at Sarah.
Incoming search terms:
- jennylyn mercado top 3 sa fhm (1)

