Home » Lakbay Diwa » Ipakita sa gawa

Ipakita sa gawa

Isda sa “Aquarium ng Buhay”
Katulad natin ay iyan
At kahit gabi at araw
Gawa nati’y minamasdan.

Wala tayong kamalay-malay ay pinagmamasdan pala ng ibang tao ang ating mga ginagawa, gayundin an gating mga sinasabi. Tuloy-tuloy rin tayong pinagmamasdan ng Diyos. Huwag tayong magsalita lamang tungkol sa kabutihan. Ipakita natin sa gawa ang ating kabutihan.

Narito ang istorya ng isang gurong Amerikano na nagtungo sa Hapon. Pinayagan si Mr. Smith na magturo ngunit kahit kalian ay hindi siya maaring magbanggit ng tungkol sa kanyang relihiyon.

Tinupad ni Mr. Smith, isang ulirang Kristiyano, ang kanyang sumpa. Sa kanyang pag araw-araw na buhay ay nasalamin ng kanyang mga estudyanteng lalaki ang kanyang kabutihan. Pinagaralan nila ang kanyang mga ginagawa at sinasabi. Isa siyang tunay na “ginoo” at ulirang anak ng Diyos.

Pagkaraan ng ilang taon, ang apatnapung mag-aaral ni Mr. Smith ay nagpulong sa malapit na gubat. Napagkaisahan nila na lumagda na kanilang tinatalikuran ang kanilang relihiyong Budismo.

Dalawampu sa kanila ay pumasok sa Kyoto Christian Training School. At nang makatapos sila ay itinuro nila ang Ebanghelyo at iba pang nilalaman ng Bibliya sa kanilang mga kababayan.

Ang butihing guro ay hindi nagturo ng Katesismo o ng hinggil sa Bibliya sa kanyang mga estudyante. Pero malinaw niyang naisabuhay ang laman ng Bibliya.

Ang maikling tulang ito ni Tony Castle ay angkop sa ginawa ni Mr. Smith:

“You are writing a Gospel
a chapter each day,

By the deeds that you do,
and the words that you say,

Men read what you write,
if it’s false or it’s true.

Now, what is the Gospel
according to you?”

Sa ating gawa makikita ang kabutihan ng Diyos ng ating kapwa.

Pag-isipan ang mga sumusunod na sitwasyon:

- Isa kang doctor sa isang tanyag at pribadong ospital sa inyong lugar. Isang araw, habang nagbabantay ka sa emergency room para tumingin sa mga ipinapasok na pasyente ay biglang dumating ang ambulansiya, sakay ang isang nag-aagaw buhay na pasyente. Upang mailigtas ito sa kamatayan kailangan nitong maoperahan sa lalong madaling panahon. Napakalaki ng halagang kakailanganin sa nasabing operasyon at ipinagtapat sa iyo ng kanyang pamilya na hindi nila ito kayang tustusan dahil sa matindi nilang kahirapan.