“A committed giver is an incurably happy person, a secure person, a satisfied person, and a prosperous person.”
Isinulat iyan ni Eric Butterworth at ang kanyang mensahe ay ito: “Ang laging nagbibigay nang buong puso ay isang taong masaya, taong panatag ang kalooban, taong nasisiyahan at taong may kaunlaran.”
Narito ang istorya ni Charles, isagn negosyante na nag-order ng mga bulaklak para ipadala sa kanyang ina. Nakita niya ang isang dalagita na lumuluha sa may pinto ng flower shop. Nalaman ng negosyante na kaya malungkot ang dalagitang si Jennifer ay dahil sa kulang ang pera niya para makabili ng rosas. Ibinili ni Charles ng rosas ang dalagitang para maibigay ng huli sa kanyang ina. Isinakay ng binata ang dalagit at nakita ng una na kalilibing lamang pala ng ina ng huli.
Bumalik ang negosyanteng si Charles sa flower shop. Pinakansela niya ang kanyang order. Siya na ang nagsadya upang ibigay nang personal ang mga bulaklak sa kanyang ina.
Tuwang-tuwa ang kanyang pitumpung tong gulang na ina sa pagdating ng kanyang anak na may limang taon nang hindi dumadalaw. Ang ina ni Charles, si Hannah, ay itinira niya sa isang Home for the Aged.
Noon natauhan si Charles. Kahit patay na ang ina ni Jennifer ay mahal na mahal pa rin niya ito. Noong inihatid ni Charles si Jennifer, nalaman ng negosyanteng na umaasa ang dalagita at ang ama nitong bulag mula sa tulong na bigay ng gobyerno.
Noong hapon ding iyon ay inilabas ni Charles ang kanyang ina. Parang nakawala sa bilangguan si Hannah. Lumakas bigla ang matanda. At paulit-ulit na sinasabi sa anak: “Ipagluluto kita ng paborito mo…”
Nang pauwi na ang mag-ina ay dinaanan nila si Jennifer at ang ama nitong bulag. Halos sumigaw sa tuwa si Jennifer nang malamang aampunin sila ng lalaking iyon na bumili ng bulaklak para sa kanyang ina.
Kumpleto na ang pamilya ni Charles. Noon ay parang hindi mahalaga sa kanya ang milyun-milyong salapi niya sa Bangko. Ngayon ay may pagkakagastusan na siya – tatlong taong bigay ng Diyos sa kanya. Ang lahat ng kaligayahang nararamdaman ni Charles ay bunga ng isang basket ng mga rosas na alaala ni Jennifer sa pinakamamahal niyang ina.

