Home » Lakbay Diwa » Ang galit

Ang galit

“He who is slow to anger is better than the mighty; and he who ruleth his spirit is better than he who taketh a city.”

Nakahihigit ang isang taong marunong magpigil ng kanyang galit kaysa isang haring kaydaling magalit. Iyan ang nakasulat sa Bibliya, sa Proverbs 16:32.

Sa aklat ni Dr. David Fank na pinamagatang “Release from Nervous Tensions” ay ganito ang paliwanag hinggil sa nagagawa ng emosyon sa ating buhay: “Nerves control all our organs. These nerves are ground chiefly in one part of the nervous system. This part of the nervous system is the central control but normally keeps our hearts and stomachs and lungs working in harmony with one another. This nervous center of our emotional life is called the interbrain. Sometimes it is called the thalamus or hypothalamus. The interbrain is the seat of emotions: love, fear, anger, and jealousy. Emotional storms coming out the interbrain can cause ulcers, palpitation of the heart, and other maladies.”

Maraming kapinsalaang nagagawa ang galit sa ating buhay bukod sa mga sakit na maidudulot nito. Kapag tayo ay “nagwala” dahil sa matinding galit ay katulad tayo ng hayop na hindi marunong magpigil ng kanyang emosyon. Tayo ang lalabas na kahiya-hiya. Ang taong ating kinagalitan ay mapapahiya. Pero sa atin din lalatay ang ginawa nating panghihiya.

Totoong maraming pagkakataon na maaari natin ikagalit. Tayo ay pinagtaksilan. Ipinahiya tayo. Pagkakamali ito ng iba na tayo ang naging biktima. Pinagsamantalahan nila ang ating kabutihan. Kawalanghiyaan ang isinukli sa ating pagtulong. Napakarami pa nating maitatala. Ngunit ano ang buti kung tayo’y magagalit?

Kung tayo’y galit nag alit at nag-iisa, maari tayong magbasa ng Bibliya o magtungo sa isang simbahan. Buksan ang ating puso sa Kanya. Maaari tayong maglakad-lakad upang sumagap ng malamig na simoy ng hangin.

Maaring suriin natin ang buong sitwasyon. Pag-aralan natin ang mga aksyong ating gagawin. Kung tayo’y may matalik na kaibigan, ipagtapat natin ang ating ikinagalit. Makaluluwag ito sa ating dibdib. Kapag lalo tayong nagalit sa ginagawa sa atin, tiyak na naroon ang mga dyablo na tumutukso sa atin.

Makabubuti na tayo’y manalangin sa Panginoon sa mga sandaling punung-puno ng poot ang ating puso.

Mababasa sa “A Decalogue of Canons for Observation in Practical Life”,

“When angry, count ten before you speak; if very angry, an hundred.”

Sinulat ni George Sevile;
“Anger is never without an argument, but seldom with a good one.”