Home » Lakbay Diwa » Taimtim na dasal

Taimtim na dasal

“The day was long, the burden I had borne, Seemed heavier and I could no longer bear, And then it lifted ­ but I didn’t know, Someone had knelt in prayer, Has taken me to God that very hour, And asked to lose my heavy load and life, In infinite compassion and stopped down, And taken it from me, the heavy load, We cannot tell how often we pray, For some bewildered and hurt and distressed, The answer comes and many times, those hearts, Find sudden peace and rest. Someone has prayed and faith a reaching hand. And asked God to help someone that day, For many, many hearts who need prayers, Oh, for these brothers and sisters, lets pray.

Naghihimala ang dasal. Kung taimtim ang ating panalangin at tagos ito ay talagang nakakatulong. Dapat lamang na tayo ay manalangin sa Poon para sa kanila. Dapat tayong makipag-ugnay sa Kanya.

Narito ang dalawang dula ng buhay.

Nagising na bigla si Bess. Bumalikwas at bumangon. Parang humihingi ng saklolo ang asawang seaman. Noon ay naglalakbay ang sasakyan sa gitna ng dagat.

Gabi noon at kasalukuyang humahampas ang malakas na ulan at hangin.
Tumabingi ang sasakyan. Unti-unti itong lumubog. Maraming cargo na nagkalat sa dagat.

Isa sa mga nakalutang sa dagat ay si Louie. Hindi siya gaanong makakalangoy pagkat galing siya sa trangkaso.

“Diyos ko tulungan po Ninyo ako…Bess, ipagdasal mo ako.“ Lumapit na bigla kay Louie ang isang malaking maleta. Iyon ang nakatulong sa kanya hanggang may dumaang maliit na bapor na sumagip sa kanila.

Samantala, si Tom ay bumukod sa kanyang ina nang iwan ito ng kanyang Daddy. Tanging ang kanyang Grandma ang kasama ng kanyang Mommy.

Apat silang magkakaibigan na umupa ng isang flat o apartment. May trabaho ang apat. Nang dumating ang kaarawan ni Tom ay naghanda ang magkakaibigan.
Pawang drugs, sandwiches at drinks ang nasa mesa. Nasa bukod na mesa ang iba’t ibang uri ng drugs.

Wala pang ilang saglit ay patungo na si Tom sa kanyang kuwarto na pahapayhapay. Tiningnan niya ang orasan sa dingding. Ikaisa ng madaling araw.

At nawala ang kanyang malay. Naroon siya sa impierno! Sigaw ng sigaw si Tom at humihingi ng tulong sa Diyos. Nagpakita sa kanya ang Panginoon at ito ang sinabi:

“May labingwalo kang ipinagdasal ng iyong Lola, Tom. Dahil sa kanyang dasal ay hahanguin kita.“

Incoming search terms:

  • dasal na humihingi ng kapatawaran sa diyos (1)
  • taimtim na (1)