Almighty God,
I give you my thanks for you are the
Creator of all life and goodness. I
Praise you for all graces you have
given me to build up my strength and
peace of mind.
Loving God, help me to be faithful
to you. Grant us the awareness of
the healing needs of those around me.
Help me to have a compassionate
heart. I ask this through Christ,
our Healer and source of all hope,
Amen…
Lahat tayo ay may lakas na maging healer o tagapagpagaling ng may sakit. Tatawagan natin ang Poon. Maglilinis tayo ng ating sarili, puso at isip.
Narito ang istorya ni Chiat na mula nang mamatay ang kanyang ama at ina sa isang aksidente sa Amerika ay tumigil na ito ng pag-aaral ng Medicina. Ang kapatid ng kanyang ina, si Betty, matandang dalaga ang kasama ni Chiat.
Nabatid ni Chiat na kaya hindi nag-asawa si Tita Betty ay namatay ang kanyang nobyo sa bisperas ng kanilang kasal. Ang dahilan ng pagkamatay – bangungot.
Noong magtangkang uminom si Chiat ng marami at iba’t ibang gamot ay tinawagan na ni Tita Betty ang kanyang dating kaeskuwela, si Gerald. Binata pa rin si Gene, kanyang palayaw.
Dumalaw si Gene sa condo ni Tita Betty. Isa na itong doktor at surgeon pa. Si Tita Betty ay inspirasyon ni Gene.
Nag-usap nang matagal si Gene at Chiat habang inihahanda ni Tita Betty ang inorder nitong pagkain.
Nagtaka si Tita Betty pagkat napapayag ni Gene na lumabas sila ni Chiat pagkahapunan.
Makuwento at mapagpatawa si Gene. Iyan ang kanyang specialization. Palibhasa’y palabasa kaya’t hindi nauubusan ng kuwento.
Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakatulog nang mahimbing si Chiat. Yapos nito ang malaking teddy bear na ipinabili ni Tita Betty kay Gene.
Noong maihatid ay nabuo sa kanyang isip na lilimutin na niya ang kanyang nobya sa States na masosyal. Sa ilang saglit asy napamahal sa kanya si Chiat.
Ang babaeng simple, maganda, mabait at marunong si Chiat. May apatnapung taon na si Gene ngunit ngayon lamang siya nakatagpo ng isang babaeng childlike at hindi childish tulad ng nobya niya si Kristine.

