Manila, Philippines – SI Quezon City councilor Roderick Paulate ang mentor sa NCR (National Capital Region) “Protégé: Battle for the Big Artista Break” audition na ginanap sa SM Music Hall ng Mall of Asia last June 2. Aniya, excited siya bilang mentor at kakaririn niya ang pagtutok sa apat na mapipili niya, two boys, two girls. Nahihirapan nga siyang pumili dahil aniya, maraming star material.
“Tinitingnan ko sila sa monitor. Hindi lang basta nakapag-project sila. Kailangang makita ko ang sincerity sa mga sinasabi nila. Paano sila mag-deliver ng lines. Karamihan sa kanila, sinabing gusto nilang matulungan ang kanilang pamilya kaya nag-join sila sa ‘Protégé’. Okey ’yon pero dapat may talent sila, bukod sa good looks.
“Total package ang hinahanap namin. Plus factor ’yung ganda, ’yung guwapo, tindig at height. Hahanapin ko ’yung may acting ability at ’yung may ‘it’ factor o kakaiba sa kanya na dapat ilabas,” wika ni Roderick.
Ang apat pang mentors ay sina Phillip Salvador (Mindanao), Gina Alajar (South Luzon), Ricky Davao (North Luzon) at Jolina Magdangal (Visayas).
Ani Paulate, excited siya at challenge sa kanya ang apat na mentors na parang magkakalaban din dahil may tig-apat silang protégés na tututukan nila. Hindi lang ito pagalingan ng mentors, pagalingan din ng protégés.
Stressful
In fairness, maraming magaganda at gwapings na nag-audition sa “Protégé: Battle for the Big Artista Break.” Kabilang sa mga nag-audition ang younger brother ni Maja Salvador na si Jayson James Salvador at ang dalawang pamangkin ni Maricel Morales.
Katulong ni Roderick sa pagpili ng apat na magiging protégés niya ang audition masters na sina Arsi Baltazar at Joji Dingcong. Ani Joji, may deliberation silang tatlo pero si Paulate pa rin ang may final say kung sino-sino ang gusto niya.
“Nakaka-stress ang magpa-audition. Ang daming stage mothers. Kapag hindi napili ang mga anak nila, sinusugod kami at sinasabing mas maganda ang mga anak nila kesa du’n sa mga napili. Nakakaloka!” wika ni Joji.
Iba’t iba ang mga naranasan nila ni Arsi Baltazar sa mga ginanap na ‘Protégé’ auditions nationwide kasama ang ibang mentors.
Next month ang umpisa ng “Protégé: Battle for the Big Artista Break” na si Dingdong Dantes ang gala presenter. Journey host si Carla Abaellana, Inside Protégé host naman si Jennylyn Mercado at si Maxene Magalona ang webjock for daily updates in Protégé webisodes.
May on-line auditions mula June 20 hanggang July 19. Bisitahin lang ang GMA Network for details.
Happy
Happy sina Elmo Magalona at Jullie Anne San Jose sa magandang pagtanggap ng televiewers sa pilot episode ng “Together Forever” last Sunday (June 17). Wish lang nilang tuluy-tuloy ang suporta ng fans sa kanilang Sunday show after “Party Pilipinas” sa GMA-7.
Tutukan mamaya ang isa na namang nakakaaliw, nakakakilig na episode ng TF. Parehong may family problems sina Ely (Elmo) at Toyang (Jullie Anne). Magdadamayan sila. Hahalikan ni Ely ang mga luha ni Toyang. Makakaramdam ito ng kakaiba at bibilis ang tibok ng puso. Magle-level-up na kaya ang feelings nila sa isa’t isa?
Tuluy-tuloy naman ang hatid na saya ng “Game ’N’ Go” ngayong Linggo sa TV5 at 12 nn. May special musical number na inihanda ang “game keepers” na sina Arnell Ignacio, Gelli de Belen at Shalani Soledad-Romulo. Abangan ang pagsayaw ni Shalani. Unang ginawa niya ito sa “Wil Time Big Time.”
Makisaya sa GNG, kasama ang “game masters” na sina Joey de Leon at Edu Manzano. Bahagi rin ng show sina Daniel Matsunaga at Monica Sta. Maria.

