Home »Timing »Richard hanga kay Carla Abellana

Richard hanga kay Carla Abellana

 

NA-MISS ni Richard Gutierrez ang paggawa ng drama teleserye kaya excited siya sa bago niyang project sa GMA-7, ang “Makapiling Kang Muli“ (MKM). Action-fantasy ang huli niyang teleserye, ang “Captain Barbell.“

Another reason kung bakit excited si Richard ay first time niyang katrabaho ang dalawang leading ladies niyang sina Carla Abellana at Sarah Lahbati. First time rin ng Kapuso actor na makatrabaho sina Phillip Salvador at Gloria Romero.

“Great actors sila at marami akong matututunan sa kanila. Tapos, ginaguide pa kami ni direk Ricky Davao,“ wika ni Richard.

Naikuwento ng aktor na muntik nang mahulog sa kabayo si Carla.
Aniya, naghahabulan sila sa eksena nang natapilok ang kabayong sinasakyan ni Carla. Biglang bumaba ang kabayo at mabuti na lang daw, nakakapit si Carla sa kabayo.

“Natakot ako at kinabahan for Carla,“ ani Richard.

Bago sila nagsimula ng taping ng MKM, nag-aral sila ni Carla ng horseback riding. Pero siyempre, minsan ay hindi maiiwasan ang aksidente sa taping.

Hanga si Richard kay Carla dahil hindi ito nag-inarte kahit muntik nang mahulog sa kabayo. Game rin ang aktres sa kanilang kissing scene na agad-agad kinunan noong first taping day nila. Walang rehearsal ‘yon.

Okey naman
Hindi isyu kay Mark Anthony Fernandez kung kontrabida role siya sa MKM.

Bida si Mark sa huling teleserye niya sa GMA-7, ang “Munting Heredera.“ Pagkatapos nu’n, bigla na lang nanahimik si Mark. No see, no hear sa kanya.

May mga negative pa kaming nabalitaan sa kanya. Natatandaan pa namin ang sinabi ni direk Maryo J. delos Reyes noong dinirek niya ang “Munting Heredera.“

“Mark Anthony is Mark Anthony!“ aniya.

Kung anuman ang ibig niyang sabihin, hindi na nag-elaborate si direk Maryo.

Kaya naman, tinanong namin si direk Ricky Davao kung wala ba siyang nagiging problema sa working attitude ni Mark sa MKM.

“Wala! He comes on time sa set. He’s very professional. Inaalagaan ko si Mark. Siyempre, mahal ko si Daboy (the late action star Rudy Fernandez na daddy ni Mark),“ ani direk Ricky.

Ay, oo nga naman!

Tinanong din namin si direk Ricky kung hindi ba naman nakikialam si Phillip Salvador sa pagdidirek.

Napangiti si direk Ricky at nagsabing, “Okey naman ang lolo mo.
Hindi naman siya nakikialam.“

Malaking pressure
Malaking pressure kay Jennica Garcia ang makatrabaho si direk Mark Reyes sa “Kasalanan Bang Ibigin Ka?“ Favorite director ito ng kanyang mama (Jean Garcia) at nababanggit daw nito sa kanya kung gaano kagaling na direktor si Reyes.

“Gusto kong patunayan kay direk Mark na anak ako ni Jean Garcia. Gagalingan ko ang pag-arte,“ sabi ni Jennica.

Ang kaibahan nilang mag-ina, sosyal-sosyalan si Jean. Mahilig ito sa branded bags, shoes, and clothes. Nanghihiram na lang si Jennica sa mama niya.

“Tumutulong naman ako sa mga gastusin sa bahay. Nagbibigay ako para sa pam-palengke at pambayad sa kuryente,“ saad ni Jennica.

About her lovelife, going strong pa rin ang relasyon nila ni Alwyn Uytingco. Early this year, napabalitang naghiwalay sila. Pero ayon kay Jennica, nagkaroon lang sila ng minor problem sa relasyon nila.

“Naayos naman namin at okey na okey kami ngayon,“ ani Jennica.

Naka-move on na siya sa breakup nila ni Martin Escudero. Ayon kay Jennica, if ever magkita sila, babatiin niya ito. No more heartaches, no more bitterness dahil masayang-masaya siya sa relasyon nila ni Alwyn, anang dalaga. Kita naman ‘yon sa aura ni Jennica na blooming and bubbly.

comments