“What is good?“
I ask in a musing mood.
Order said the law court
Knowledge, said the school;
Truth, said the wise man;
Pleasure, said the fool;
Love, said the maiden;
Beauty, said the dreamer;
Home, said the sage;
Fame, said the soldier,
Equity, said the seer;
“The answer is not her,“
Then within my bosom
Softly this I heard:
“Each heart holds this secret;
Kindness is the word.“
Ang sumulat ay ang dakilang preacher, si Rev. Fr. John Wesley.
Sang-ayon sa kanyang sinulat ang kahulugan ng kabutihan paggawa ng tulong sa nangangailangan. Iyong kasama ang ating sakripisyo at puso.
Narito ang istorya ng isang dalaga na ang edad ay apatnapu. Hindi na nag-asawa si Selina.
Siya ang takbuhan ng kanilang mga kapitbahay. Ang trabaho ni Selina ay pagtitinda sa umaga ng isda. Madaling araw pa lamang ay narooon na siya at namamakyaw ng isda para sa kanyang puwestong maliit.
Dumating ang panahong nagkasakit nang sabay ang kanyang ama at ina. Kapwa naospital ang dalawang matatanda.
Naroon ang kanilang mga kapitbahay na kanyang natulungan. May nagbabantay sa kanyang ama at ina. Upang maipagpatuloy niya ang kanyang pagtitinda ng isda.
Noong namatay ang dalawa ay isang buwan lamang ang pagitan. Ang mga kalbaryo ni Selina ang namahala. Halos hindi makahinga si Selina sa sama ng loob, sa mga utang at sa puwesto na napilitan niyang ipagbili.
Ngunit ang higit na sorpresa ng Diyos kay Selina nang biglang dumating si Mickey, ang binatang ibig siyang ligawan ngunit ubod ng mahiyain.
May dala itong magandang sasakyan. Ito ang salubong ni Mickey kay Selina:
Hindi na ako mahiyain. Matagumpay ang aking business. Maari ko nang hilingin ang iyong kamay. Pakakasal na tayo. Ulila na tayong pareho. Sa bayan ako umuuwi. Sa malaking hotel doon. Pakakasal na tayo. Kasama na kita sa pagbabalik ko sa Maynila. Alam kong lahat ang nangyayari sa iyo. Si Enrico na kapitbahay mo ang ka-text ko…
Nagyakap ang dalawa na uhaw sa isa’t isa.
Ang akala ni Selina ay hindi didinggin ng Diyos ang mga dalangin niya.

